10 Bagay sa Pagbubukas ng Klase

1. Kukunti ang mga estudyante. Mukhang may forever ang bakasyon nila. O baka ayaw na nilang bumalik sa pamantasan. Dadami na naman ang OSY pag nagkataon.
2. Parang hindi nagpalit ang taon. Tatlo lang ata ang bumati sa akin ng Happy New Year ngayon. Baka hindi happy ang New Year nila, naku wag naman sana buong taon.
3. Busy agad ang unang araw sa pamantasan. Naging busy din ang office ko para sa pag critic ng papel at slide presentation ng mga magdedefense. Bakit Kaya defense ang tawag sa defense? Ano Ito may kalaban at may sagupaan?
4. Mainit na. Di tulad ng dati na malamig pa rin. Nagbabago na ang panahon. Panahon na talaga para magbago tayo. Tsk tsk.
5. May nag treat saken ng meryenda. Bday treat daw nya yun. Sarap ng kinain ko hanggang mapansin kong nakalahati ko na ang bigay nyang soda. Biglang naisip ko, hindi na nga pala ako magsosoda simula ngayong taon. Kakayanin, yung pagmomove on nga sa kanya, kinaya ko eh. 
6. Dalawang shirts ang natanggap ko as New Year’s gifts. Ung isa galing sa atleta kong kaibigan at yung isa galing sa maganda kong kaibigan. Bukas sana may regalo uli. 
7. Lechong baboy ramo at pinakbet ang kinain ko for lunch kasama ng mga student teachers na bumisita sa office. Salamat kay Nanay Nering sa paghahanda ng tanghalian. Naisip ko may lechong unggoy din kaya (oops animal cruelty). Year of the Monkey po ang 2016. 
8. Natuwa ako sa Zoology class ko kanina. Sabi ko, kung dehumanize ang term para sa pang-aalipusta sa tao. Pwede ba nating sabihin na deanimalize ang pang-aabuso, pang-aalipusta at pambabastos sa hayop? Napangiti Lang sila. 
9. Kailan kaya ang tamang panahon para sa mga estudyanteng di pa nagpapasa ng requirements? Ayun, kunti lang ang nagsubmit kanina. Last year ko pa sinabi yun. Naku. 
10. Busy ang unang araw ng klase ngayong taon. Dami na agad errands and tasks. Kaya to. Parang kumakain Lang naman ng thumbtacks at staple wires eh. Haha. Welcome 2016.
Happy kiddo here! Maligayang pagbabalik sa eskwela!