A Poem for Mom’s Day

Mom's Day

Advertisements

2014 Ten Outstanding Students of the Philippines – Region III

10325786_611350178955140_432596188173763583_n

 

 

Congratulations to the 10 Regional Awardees of the Ten Outstanding Students of the Philippines (TOSP) Region III.

1. Bryan Boy Cadavis Cortez
Bachelor of Library and Information Science | Baliuag University
2. Fernando Flores Dosono, Jr.
Bachelor of Secondary Education major in Mathematics | Mary the Queen College (Pampanga), Inc.


3. Mary Heliane Manalastas Fabian
Bachelor of Arts in Communication | Angeles University Foundation


4. Reymond Raquidan Galvez
Batsilyer ng Edukasyong Pansekundarya sa Larangan ng Filipino |Dr. Yanga’s Colleges, Inc.


5. Jo-Mari Galicia Hieras
Bachelor of Science in Marine Engineering | Maritime Academy of Asia and the Pacific


6. Aelhyn Carol Grey Lucero
Bachelor of Science in Nursing | Holy Angel University


7. Christopher Paulo Torres Manlapaz
Bachelor of Secondary Education major in English | Republic Central Colleges


8. Carlo Magno Lemon Sagun
Bachelor of Science in Agriculture major in Crop Protection | Tarlac College of Agriculture


9. Mary Jane Carpio Samson
Bachelor of Arts in Political Science | Araullo University PHINMA Education Network


10. Kenneth Alex Regala Villanueva
Bachelor of Secondary Education major in Mathematics | Angeles University Foundation

Buwan ng Wikang Pambansa 2013: WIKA NATIN ANG DAANG MATUWID

Pinangungunahan ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) ang temang Wika Natin ang Daang Matuwid para sa taunang pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa sa Agosto, alinsunod sa Pampanguluhang Proklamasyon Blg. 1041, s. 1997.

Kinapapalooban ng tema sa taóng ito ang kapangyarihan ng wikang Filipino na tumatagos sa iba’t ibang sektor ng lipunan at sa lahat ng uri ng pamumuhay. Nananalig ang KWF na sa kabila ng pagkakaiba-iba ay nagkakaisa tayo dahil sa wikang Filipino–ang tinig ng ating kultura, kasaysayan at pagkatao. Dahil sa ating pagkakabuklod, ito ang isa sa mga kasangkapan tungo sa bisyon ng matuwid na daan ng dangal at kaunlaran.

Hinati din ang pangkalahatang tema sa taóng ito sa sumusunod na diwa ayon sa medium term plan ng KWF:

• ANG WIKA NATIN AY WIKA NG KATARUNGAN AT KAPAYAPAAN
• ANG WIKA NATIN AY LABAN SA KATIWALIAN
• ANG WIKA NATIN AY SANDATA LABAN SA KAHIRAPAN
• ANG WIKA NATIN AY WIKA NG MABILISAN, INKLUSIBO AT SUSTENIDONG KAUNLARAN
• ANG WIKA NATIN AY WIKA SA PANGANGALAGA SA KALIGIRAN

Hinihikayat ang madla na aktibong makilahok sa mga programang inihanda para sa taóng ito. Pinakatampok sa Buwan ng Wika ang Pambansang Kongreso sa Wika na gaganapin sa Agosto 19-21, 2013. Ang kongreso ay inaasahang daluhan ng mga dalubhasa sa iba’t ibang larang upang talakayin ang mga napapanahong isyung kinakaharap ng wikang Filipino at mga kapatid na wika nito sa bansa. Nagtipon din ng mga programa at proyekto ang KWF para sa pagdiriwang sa taóng ito sa paglulunsad ng opisyal na Pambansang Programa, mula sa iba’t ibang mga pamantasan sa buong Filipinas. Kasama na rin sa hanay ng mga programa ang timpalak sa pagsulat na Gawad KWF sa Sanaysay at ang parangal sa Dangal ng Wikang Filipino na kapuwa taon-taong nagpupugay sa mga indibidwal na nag-ambag para sa pagyabong ng wikang Filipino.

Ang KWF ang natatanging ahensiyang pangwika sa ilalim ng Tanggapan ng Pangulo ng Filipinas. Itinatag sa pamamagitan ng Batas Republika Blg. 7104 ng 1991, inaatasan itong “tiyakin at itaguyod ang ebolusyon, pagpapaunlad at pagpapayaman pa ng Filipino na wikang pambansa ng Filipinas, batay sa umiiral na mga wika ng Filipinas at iba pang wika.”

 

Pinagbtayan:

http://www.kwf.gov.ph

Paalam Hon. Jesse M. Robredo

Hon. Jesse M. Robredo, Secretary of the Interior and Local Government, May 27, 1958 — August 18, 2012

Jesse Manalastas Robredo. Mabuting ama. Mapagmahal na asawa. Mapagkalingang anak. Tapat na kaibigan. Lingkod bayan. Nagueño. Bicolano. Higit sa lahat, Pilipino.

Sana ay maging handa ang mga tapat at may kakayahan nating mga pinuno na magsakripisyo at tumugon sa tawag ng panahon…

Hindi ito madali ngunit kung sama-sama tayong lahat,
hindi malayong maabot natin ang minimithi natin
magandang kinabukasan para sa bawat Pilipino.

— Jesse Manalastas Robredo (1958-2012)

 

Sa ating kasaysayan, may mga pangalang nakatatak na sa pambansang kamalayan bilang ehemplo ng pag-asa’t pagbabago— Rizal, Bonifacio, Abad-Santos, Magsaysay, Aquino. Silang mga nagbuhos ng pawis at panahon para sa kapakanan ng kanilang kapwa at lupang tinubuan; silang mga maagang lumisan, ngunit nagpamana ng habambuhay na inspirasyon para sa kanilang kababayan.

Sa pahinang ito, sisikapin nating sipatin ang buhay, ayon sa mga kuwento, artikulo’t salaysay ng ilang kaibigan, katrabaho, at kapamilya ng isang Pilipinong maidadagdag sa hanay ng mga dinadakilang pangalan na ito: si Jesse Manalastas Robredo. Ilalathala rin dito ang ilang   pagbabalik-tanaw sa kaniyang kabutihan at paglilingkod, gayundin ang mga papuri’t pasasalamat sa kanya, na patuloy na bumubuhos sa telebisyon, radyo, at social media.

Jesse Manalastas Robredo. Mabuting ama. Mapagmahal na asawa. Mapagkalingang anak. Tapat na kaibigan. Lingkod bayan. Nagueño. Bicolano. Higit sa lahat, Pilipino.