Tropang teacher!

A friend loveth at all times, and a brother is born for adversity. – Proverbs 17:17 (KJV)

Masayang mabuhay sa mundo lalo kapag alam mo na maraming nasa paligid mo na handang mahalin, pahalagahan at bigyan ka ng suporta. Minsan naisip ko, bakit kaya ginusto kong maging guro / dalub-guro gayong alam ko na wala naman talagang yumayaman sa pagiging ganito. Subalit, nasambit ko sa aking sarili – hindi naman kailangan ng masyadong maraming materyal na bagay para sumaya ang isang tao. Higit sa mga makamundong bagay, ang pagmamahal ng mga taong nakapaligid sa’yo ang lubos na mahalaga.

WP_006660

Nito lamang February 23, 2014, mula Sta. Rosa, Laguna ay nagkumahog ako sa pagluwas pabalik ng Zambales. Kailangan kong makarating bago mag-alas dose. Nagbitiw ako ng pangako kay Oliver (estudyante ko) na doon ako sa kanila manananghalian. Fiesta ng San Marcelino ng araw na yun. Kaya tiyak an masaya yun!

WP_006661

Masaya akong nananghalian kasama ng ilang mga kakilala at mga estudyante ko sa bahay nila Oliver. Mas masaya roon ay nang sinimulan na naming maglakad paikot sa bayan bilang pahagi ng San Marcelino Fiesta Civic Parade. Maraming mga kakatwang nangyari pero higit doon, ramdam ko ang saya kasama ng aking mga estudyante sa parada. Kulitan, takbuhan, taguan sa init ng araw, asaran at higit doon nakatikim ako ng sobrang “pambubully’ ng mga students ko. Haha. Pagkatapos ng parada, kainan uli. Busog na busog ako hindi lamang sa aking mga kinakain kundi maging sa masasayang kuwentuhan.

WP_006663

Salamat kay Oliver, Jayniel at Michelle sa napakaraming pagkain. At sa lahat ng mga BSED I na sumama sa akin sa napakasayang araw na ito. Hindi ko makakalimutan ang videoke kantahan kina Jayniel. Apat lang kami noon sa loob hanggang sa pumasok lahat ng BSED I doon. Nakadalawang kanta ako kahit epic ang boses ko, One Friend at Father and Son. Sabi nga ni Justine, yung mga kanta ko raw pang “friends.” Ewan ko basta yun lang gusto kong kantahin nun. Hindi ko rin makakalimutan yung napakagandang boses ni Cristine Gordo, grabe pang The Voice lang! Higit sa ikinatawa ko ang “knock knock’ eksena ni Ergelyn. Sobrang tawa kaming lahat. Hindi ko na sasabihin dito ang ginawang mass bullying sa akin ng BSED I about this “certain girl” na pinasimunuan ni Jeph at Renzo. Haha.

Masaya lang ako kaya pagbigyan na ang post kong ito! Thank you Lord for the gift of these awesome students/ friends! Isa nga talaga akong TROPANG TEACHER! Yun oh!

WP_006662

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s