2014 Ten Outstanding Students of the Philippines – Region III

10325786_611350178955140_432596188173763583_n

 

 

Congratulations to the 10 Regional Awardees of the Ten Outstanding Students of the Philippines (TOSP) Region III.

1. Bryan Boy Cadavis Cortez
Bachelor of Library and Information Science | Baliuag University
2. Fernando Flores Dosono, Jr.
Bachelor of Secondary Education major in Mathematics | Mary the Queen College (Pampanga), Inc.


3. Mary Heliane Manalastas Fabian
Bachelor of Arts in Communication | Angeles University Foundation


4. Reymond Raquidan Galvez
Batsilyer ng Edukasyong Pansekundarya sa Larangan ng Filipino |Dr. Yanga’s Colleges, Inc.


5. Jo-Mari Galicia Hieras
Bachelor of Science in Marine Engineering | Maritime Academy of Asia and the Pacific


6. Aelhyn Carol Grey Lucero
Bachelor of Science in Nursing | Holy Angel University


7. Christopher Paulo Torres Manlapaz
Bachelor of Secondary Education major in English | Republic Central Colleges


8. Carlo Magno Lemon Sagun
Bachelor of Science in Agriculture major in Crop Protection | Tarlac College of Agriculture


9. Mary Jane Carpio Samson
Bachelor of Arts in Political Science | Araullo University PHINMA Education Network


10. Kenneth Alex Regala Villanueva
Bachelor of Secondary Education major in Mathematics | Angeles University Foundation

Tropang teacher!

A friend loveth at all times, and a brother is born for adversity. – Proverbs 17:17 (KJV)

Masayang mabuhay sa mundo lalo kapag alam mo na maraming nasa paligid mo na handang mahalin, pahalagahan at bigyan ka ng suporta. Minsan naisip ko, bakit kaya ginusto kong maging guro / dalub-guro gayong alam ko na wala naman talagang yumayaman sa pagiging ganito. Subalit, nasambit ko sa aking sarili – hindi naman kailangan ng masyadong maraming materyal na bagay para sumaya ang isang tao. Higit sa mga makamundong bagay, ang pagmamahal ng mga taong nakapaligid sa’yo ang lubos na mahalaga.

WP_006660

Nito lamang February 23, 2014, mula Sta. Rosa, Laguna ay nagkumahog ako sa pagluwas pabalik ng Zambales. Kailangan kong makarating bago mag-alas dose. Nagbitiw ako ng pangako kay Oliver (estudyante ko) na doon ako sa kanila manananghalian. Fiesta ng San Marcelino ng araw na yun. Kaya tiyak an masaya yun!

WP_006661

Masaya akong nananghalian kasama ng ilang mga kakilala at mga estudyante ko sa bahay nila Oliver. Mas masaya roon ay nang sinimulan na naming maglakad paikot sa bayan bilang pahagi ng San Marcelino Fiesta Civic Parade. Maraming mga kakatwang nangyari pero higit doon, ramdam ko ang saya kasama ng aking mga estudyante sa parada. Kulitan, takbuhan, taguan sa init ng araw, asaran at higit doon nakatikim ako ng sobrang “pambubully’ ng mga students ko. Haha. Pagkatapos ng parada, kainan uli. Busog na busog ako hindi lamang sa aking mga kinakain kundi maging sa masasayang kuwentuhan.

WP_006663

Salamat kay Oliver, Jayniel at Michelle sa napakaraming pagkain. At sa lahat ng mga BSED I na sumama sa akin sa napakasayang araw na ito. Hindi ko makakalimutan ang videoke kantahan kina Jayniel. Apat lang kami noon sa loob hanggang sa pumasok lahat ng BSED I doon. Nakadalawang kanta ako kahit epic ang boses ko, One Friend at Father and Son. Sabi nga ni Justine, yung mga kanta ko raw pang “friends.” Ewan ko basta yun lang gusto kong kantahin nun. Hindi ko rin makakalimutan yung napakagandang boses ni Cristine Gordo, grabe pang The Voice lang! Higit sa ikinatawa ko ang “knock knock’ eksena ni Ergelyn. Sobrang tawa kaming lahat. Hindi ko na sasabihin dito ang ginawang mass bullying sa akin ng BSED I about this “certain girl” na pinasimunuan ni Jeph at Renzo. Haha.

Masaya lang ako kaya pagbigyan na ang post kong ito! Thank you Lord for the gift of these awesome students/ friends! Isa nga talaga akong TROPANG TEACHER! Yun oh!

WP_006662

Let’s support PRMSU bill!

| By Danilo V. Rogayan Jr.

The Ramon Magsaysay Technological University (RMTU), the only state university in the province of Zambales, is now facing a momentous turning point and is gearing itself in the gargantuan change to happen. Over the years, RMTU has inflicted positive transformations not only in the province of Zambales but also in the entire region and in the country as higher education institution. As a university, it has provided instruction to young Zambaleños and has also undertaken research, extension and production to uplift the lives of the community people.

PRMSU bill In consonance, Dr. Cornelio C. Garcia, RMTU president, has started embedding changes in almost all aspects of the university since his assumption to office on March 21, 2013. One of the transformations he has started doing is the move to rename RMTU to Pres. Ramon Magsaysay State University (PRMSU). The said metamorphosis is being made possible with the support of Cong. Cheryl P. Deloso-Montalla, Representative of the Second District of Zambales. The lady solon has introduced House Bill No. 3490 which seeks to rename RMTU into PRMSU and broaden it as a premier institution of higher learning in the province of Zambales and in the entire Central Luzon.

House Bill No. 3490, otherwise known as “President Ramon Magsaysay State University Charter of 2013,” also seeks to amend Republic Act No. 8498 wherein RMTU was established as a state university in order to “primarily provide instructions, undertake research and extension, and provide advanced studies and progressive leadership in agriculture, forestry, engineering, technology, education, arts, sciences, humanities, and other fields as may be relevant to the development of the province” of Zambales.

Trailing back its history, RMTU is an amalgamation of three public education institutions in the province of Zambales which was established by virtue of Republic Act 8498, enacted on February 12, 1998. The RMTU Charter merged the former Ramon Magsaysay Polytechnic College (RMPC) established in 1910 in Iba, the Western Luzon Agricultural College (WLAC) founded in 1927 in San Marcelino and the Candelaria School of Fisheries (CSF) established  in Candelaria in 1965. The strengths of its parent-institutions served as springboard for accelerated institutional growth and development.

RMTU is mandated by law “to perform all kinds of academic activities within the commerce of man. However, the enabling law for the creation and operation of RMTU does not provide the necessary latitude for the state university to become abreast with other institutions of higher learning,” the PRMSU bill reads. The bill also asserts that with the rapid technological and scientific advancements at present, new ideas come to fore by the minute. Access to this information is beyond the current financial and technological capability of RMTU. Moreover, PRMSU bill avers that “only with a redesigned and redefined charter that RMTU can become at par with other public and private tertiary education institutions in the region and in the country.”

Henceforth, the proposed charter “will provide RMTU with the necessary elbow room to reformulate its academic offerings and instructions. Infusion of yearly allocation for the conduct of democratic and secular academic and vocational instructions is another feature of the bill that will hopefully allow RMTU to reach new and greater heights.”

As stakeholders, let us earnestly support the immediate passage of PRMSU bill if we want the university to become a premier university of science & technology, and eventually be transformed into a stronger and more comprehensive chartered state university!

Full text of the bill here. 

PERFORMANCE OF FREE RANGE CHICKEN THROUGH FEED AND DRINK SUPPLEMENTATION USING TUBER CROPS, FRUITS, CROPS’ LEAVES AND HERBAL EXTRACTS

RMTU Research!

PAEDACON2015

PAEDA Header

RMTU      RAMON MAGSAYSAY TECHNOLOGICAL UNIVERSITY

                   Botolan Campus, Botolan, Zambales

 

PERFORMANCE OF FREE RANGE CHICKEN THROUGH FEED AND DRINK SUPPLEMENTATION USING TUBER CROPS, FRUITS, CROPS’ LEAVES AND HERBAL EXTRACTS 

Dr. Judy M. Sorsano , Dr. Libna L. Lucas, Dr. Lazaro T. Lucas Dr. Anastacio C. Farin, Dr. Cornelio C. Garcia, Engr. Dinah E. Abugho, Prof. Josephine C. Asinas,

Mr. Noli S. Sorsano

ABSTRACT

The research project was conducted to determine the performance of free range chicken

when provided with supplements coming from selected tuber crops, fruits, crops’ leaves and herbal extracts. Four studies were included in this project using the Completely Randomized Design. The first study focused on the performance of birds given with root crops as feed supplements like sweet potato, cassava, yambean and taro. The second study was on fruit supplementation using banana, watermelon, tomato, and…

View original post 503 more words

Balik Tanaw 2013

Taon ko ang 2013. Salamat Bro sa lahat-lahat ng mga nangyari sa taông ito. Salamat sa mga magagandang alaala at masasayang kaganapang Inyo pong ibinigay. Salamat sa mga taóng naging bahagi ng aking buhay sa isa na namang taông nakalipas  – sa aking mga kapamilya, mga kaibigan, mga kapwa dalubguro, mga estudyante noon at ngayon, mga kakilala at mga kaibigan. Salamat din sa walang hanggang patnubay, gabay at pagsubaybay. Salamat sa kalinawan ng isip, kahinahunan ng loob at kalakasan ng aking pangangatawan na siyang lalong nagpatingkad ng aking 2013.

            Hayaan nyong aking balik-tanawin ang isa na namang taông nakalipas sa pamamagitan ng 100 pinakamalalaking kaganapang nangyari sa aking buhay ngayong 2013.

267691_604401332911745_764527366_n

  1. Napili bilang maging Punong Patnugot ng The Ramonian, ang opisyal na institusyonal na pahayagan ng Ramon Magsaysay Technological University (RMTU) simula noong Oktubre 2013.
  2. Naging bahagi ng Project Saysay, ang personal na proyekto ni Kuya Ian Alfonso, isang dakilang kuya, mahusay na mananalaksik at makabayang Filipino. Ang proyektong ito ay may layong ilapit ang mga mag-aaral sa bawat silid-aralan sa Pilipinas sa mga dakilang salita ng ating mga bayani. Naging katuwang ko ditto ang P.Saysay Team ng RMTU San Marcelino.
  3. Naimbitahan ng St. James School ng Subic, Zambales na maging hurado ng kanilang taunang Mr. & Miss Intramural Meet.
  4. Naimbitahan bilang maging tagapagsalita sa Columban College Basic Education Department hinggil sa paksang, “Environmental Protection in a Globalized Society.”
  5. Nabigyan ng pagkakataong magturo sa Ramon Magsaysay Technological University – San Marcelino Campus nitong Hunyo 2013 bilang Instructor sa College of Education, Arts and Sciences. Humawak ng mga asignaturang Zoology, Astronomy, Physical Science, Biological Science at Physics ng unang semester.
  6. Naatasang maging Tagapayo ng The Ethos, ang opisyal na pahayagang pang-mag-aaral ng RMTU San Marcelino Laboratory High School.
  7. Nabigyan ng pagkakataong magturo sa RMTU Castillejos Campus ng ikalawang semester at humawak ng asignaturang Scientific and Technical Writing.
  8. Naimbitahan ng Castillejos National High School (CNHS) na magbigay ng lektura hinggil sa Basic Journalism.
  9. Naglunsad ng Journalism Workshop para sa mga mamamahayag pangkampus ng Ethos Publication.
  10. Nagtungo ng Sitio Ibad, Aglao, San Marcelino, Zambales at nakilala ang mga batang katutubo doon. Nagbigay ng regalo para sa kanila at nagbigay ng kasiyahan.
  11. Nakilala ang TOSP Batch Siklab sa isinagawang TOSP Zambales Formation 2013. Masayang nagging bahagi ng isa mga pinakamalaking gawaing ito ng TOSP-R3ACH.
  12. Dinumog ng aking mga dating estudyante sa St. Thomas More Academy nang ako ako ay bumisita doon makalipas akong umalis noong Abril.
  13. Naimbitahan ng PREDA Foundation na magbigay ng lektura hinggil sa Approaches in Environmental Protection.
  14. Naimbitahan ng Secondary Schools Subic District upang umupo bilang isa sa mga hurado ng Journalism Group Contest (Radio Broadcasting and Desktop Publishing). Ako ang pinakabatang hurado kasama sina Sir Benedick at Ma’am Heidi.
  15. Dumalo sa isang internasyonal na kumperensya sa Kasaysayan sa UP Diliman hinggil sa Galleon Trade at Pacific Ocean. Salamat kay Kuya Ian Alfonso sa imbitasyon. Doon ay nakita ko si Ate Reign!
  16. Sumubok sa mga nakatatakot na ride sa Mall of Asia kasama si Ma’am Maryan Garcelan at Ma’am Mary Jane Blanco. The best!
  17. Naglakad mula MOA hanggang Baclaran kasama ng aking mga kasamahang guro sa St. Thomas More Academy.
  18. Gumala sa Alabang kasama ng Placid Boys para icelebrate ang birthday ni Irish at Lemuel!
  19. Nanood ng ‘Pagpag: Siyam na Buhay’ kasama ng aking mga dating estudyante sa STMA pagkatapos ng Pasko (Earl, Jenny at Christy Joy).
  20. Nanood ng ‘Boy, Girl, Bakla, Tomboy’ kasama ng aking mga dating estudyante sa Laboratory High School (Christer, Ann, Patricia at Yhen) at si Karl.
  21. Naghost ng unang pagkakataon ng isang wedding. Special ito dahil ang kinasal ay isa sa aking College best buddies. Congratulations Drew and Yesha!
  22. Nag-Divisoria kasama sina Ma’am Maryan at Ma’am Precy para sa mga field demo uniforms ng Third Year Moreans!
  23. Umupo bilang panelist sa di-mabilang na thesis defense ng mga Morean Seniors. Ginisa ko lang naman sila ng bahagya.
  24. Nailathala sa unang pagkakataon ang The Morean Gazette at naipamahagi sa mga estudyante at guro. Ang saya sa pakiramdam dahil ako ang tagapayo ng publikasyon!
  25. Nagsilbing emcee kasama si Ma’am Precy sa Junior-Senior Promenade ng STMA. Kabado pero nagging masaya ang buong gabi!
  26. Nag-swimming kasama ng aking mga anak sa III-St. Placid sa kanilang Farewell and End-of-School Party.
  27. Dumalo ng kumperensyang pangkasaysayan  ng Bonifacio 150 kasama sina Sir Eric, Sir Marlon at Sir Jim.
  28. Nakisaya sa BSED IV sa kanilang End-of-First-Sem getaway sa San Narciso. Natulog sa buhanginan hanggang sa nangaligkig, nakihila sa mga mangingisda sa kanilang lambat at marami pang iba.
  29. Nagpakasaya sa Pundaquit Beach at nakipaghabulan sa mga daluyong sa aming CEAS Faculty Christmas Hurrahs.
  30. Nabasag ang screen ng phone ko noong Friday the Thirteenth ng December. Marami akong realizations, 8 araw na hindi nagcellphone!
  31. Inakyat ang bundok sa Morong, Bataan at nakitira sa mga katutubong Aeta doon ng halos dalawang araw para sa aming R3ACH Camp. Maraming nadiskubre at maraming natutunan!
  32. Sinorpresa ng aking mga estudyante noong birthday ko lalo na ang BSED I. Sobrang saya!
  33. Nanguna sa paglulunsad ng Science Exhibit ng aking mga LHS IV students. Marami akong nakitang bagong mahika ng syensya!
  34. Nakapasa sa PNU Graduate School Admission Test! Grabe! Ang saya lang!
  35. Nakuha ang aking lisensya bilang propesyonal na guro mula sa PRC! Iingatan ko ito!
  36. Naging overall champion ang aming team, Third Year, sa STMA Sporstfest 2013. Yey! Salamat sa Placid, Peter, Philomena, Peregrine at Paul!
  37. Dumalo ng Recognition Day ng aking mga anak sa Third Year sa STMA! Nakatutuwang pagmasdan ang kanilang mga ngiti kasama ang kanilang mga magulang!
  38. Nakitang muli ang mga magulang ng aking mga mahal na Placid advisory class sa kahuli-hulihang Parent-Teacher Conference.
  39. Nagsaya at nagparty sa aming Faculty Farewell Party. Doon ko nakausap nang matagal-tagal si Miss J.
  40. Nagtungo ng Tagaytay kasama ang aking mga kapwa guro sa STMA. Nakita ng mga Pink Sisters at inakyat ang mataas na Tagaytay Summit. Informal date lang with Miss J.
  41. Nakatanggap ng thank you letter mula kay Miss J with sweet cookies. Grabeng kilig ko doon! Hehe. Nakatago pa yun kasama ng 12-month customized calendar!
  42. Nakilala ko ang aking mga College students ng first semester – makulit, magulo, maingay pero astig! Mahal nila ako at mahal ko rin sila. Salamat BSED I, BEED I, BEED II BEED III at BSED IV-Bio.
  43. Naging class adviser sa Laboratory High School fourth year kahit hanggang October lang. Masaya akong nakilala ko kayong lahat! Salamat guys!
  44. Napuyat kasama si Dude James sa bahay nila para tapusin ang isang requirement. Masaya lang magpuyat at maghintay magprint nang napakatagal!
  45. Dinalaw ko si Lolo Floyd matapos ang ilang buwang di ko pagdalaw. Yun na pala ang huli naming pag-uusap. Binigyan nya ako ng relo. At ngayon ko lang naisip, ito ay nagsasabing huwag kong kakalimutang magbigay ng oras sa aking mga mahal sa buhay!
  46. Nagpuntang Zoobic Safari kasama ang aking mga Zoology students. Ang saya lang kasama ng mga animals!
  47. Nag-hiking sa Tower sa Balaybay kasama ng aking mga BEED1 at BSED1 students! Nakakapagod na masaya! Sumakay sa ibabaw ng jeepney papuntang WLAC!
  48. Nakapag-enroll ng second semester sa graduate school sa pangarap kong pamantasan, ang Philippine Normal University (PNU)! Kumuha ako ng Master of Arts in Science Education in Biology! Sana matapos ko agad!
  49. Nanguna sa paglulunsad ng Science Exhibit ng BEED1 at BSED1 sa Gabaldon Building.
  50. Naimbitahang magsalita sa Kapihan kay Boni. Tinalakay ko ang mga naging akdang isinulat ni Gat Andres Bonifacio. Ito ay kaugnay ng kanyang sekwisentenaryong kaarawan.
  51. Nagpakasaya noong Pasko kasama ng aking mga kapatid! Kainan, kantahan at kuwentuhan!
  52. Nag-enjoy sa Faculty Christmas Party ng RMTU San Marcelino! Saya ng mga parlor games at maraming pagkain!
  53. Nag-enjoy sa LHS General Christmas Party! Nabusog at natawa nang sobra sobra! Kanta to the max pa!
  54. Nagbigay ng career guidance sa Subic National High School. Nakita ko ang ilan sa aking mga nagging estudyante noong practicum teaching!
  55. Nag-guest sa Radyo Natin Iba. Tinalakay ang mga updates ng university. Kasama ko si Sir Angel. Saya lang!
  56. Dumalo sa mga di-mabilang na seminars sa College of Law Con Hall kasama ng mga higher-ups. Dami kong natutunan!
  57. Na-ipublish ang unang sipi ng The Ramonian, ang opisyal na pahayagan ng RMTU. Ang saya sa pakiramdam!
  58. Nakasama sina Renz at Ram sa isa sa aking mga passion project – ang pagbibigay ng inspirasyon sa mga kabataang Filipino!
  59. Nakasaksi sa unang pagkakataon ng isang theatrical play. At huwag ka, ito ay pagtatanghal alay kay Gat Andres Bonifacio ng Dulaang UP sa kanilang itinanghal na ‘Teatro Porvenir.’
  60.  Nakilala ang mga Science Majors, ang Biological Science at Physical Science Majors, Batch 2013-2014. Sana matapos talaga nila!
  61. Nag-emcee ng isang universitywide seminar, Seminar on Outcomes-Based Assessment. KInaya naman! Nakita ko si Ma’am Lora Yusi ng CHED! Saya sa pakiramdam!
  62. Sumakay sa unang pagkakataon sa Viking. Grabe! Parang lumilipad ako sa alapaap! Kasama ang aking mga dating LHS4 students.
  63. Nag-enjoy sa bukid ni Daddy noong sembreak kasama ang buong pamilya. Nakumpleto kami uli!
  64. Nagtakutan kasama sina Justine, John Eric, John, Vic, Yasha, Leo at Joyce sa Tumba-Tumba sa San Antonio! First time ko yun. Sobrang gabi na nakauwi!
  65. Dinalaw si Mama Letecia sa sementeryo kasama ng aking apat na kapatid! First time na kumpleto kami!
  66. Nag-moviedate kasama sina Ma’am Kenn, Sir Eric at Sir Marlon sa SM Olongapo.
  67. Nag-swimming sa Enchanted Bukid at nag-overnight kasama ng aking mga LHS4 advisory class.
  68. Nag-enjoy alagaan ang Pink Panthers team noong Intrams! Cheer lang nang cheer!
  69. Naanyayahang maging panauhing pandangal sa Buwan ng Wika 2013 ng RMTU San Marcelino. Like ko ang WiFi, like ko ang Wikang Filipino!
  70. Naimbitahang magsalita sa Leadership Training and Team Building Camp ng RMTU South Campuses. Dito talaga ako umiyak nang sobra habang nagsasalita. Ibang klase pag puso talaga ang nagsalita!
  71. Tinapos ang special issue ng CAVM Newsletter ng buong magdamag! Masaya lang na nasiyahan ang mga AACCUP accreditors!
  72. Nakadaupang-palad ang mga Petron senior scholars sa isinagawang life and career workshop sa Universidad de Manila. Naiibang karanasan!
  73. Bomoto ng dalawang beses, local at barangay elections!
  74. Nag-coach sa 1st Science Quiz Contest ng San Marcelino Water District at nag-second runner-up ang contestant ko, Ms. Emmie Lou Olaguir! Nakakaproud!
  75. Nag-enjoy sa swimming kasama ng aking mga bunso sa St. Catherine! Kahit muntikan nang masira ang iphone ni Drei. Haha.
  76. Nasaksihan ang 4th Philippine International Pyromusical Competition kasama ang aking mga kapwa guro sa STMA.
  77. Naenjoy ang birthday party ni Ma’am Avel. Kainan, kwentuhan at kantahan!
  78. Naggala sa MOA at kumain kasama ang aking bro, Mark Villegas. Sarap ng seafoods!
  79. Natouch sa aking III-St. Placid advisory class noong Teacher’s Day ng STMA, February 15. Salamat mga anak sa big card at mga regalo!
  80. Nag-enjoy talaga sa Intrams lalo sa practice ng Field Demo kasama ang panonood ng sine pagkatapos.
  81. Nagfacilitate ng leadership training sa University of the Assumption. At nakilala pa lalo ang aking mga kasamahan sa TOSP R3ACH.
  82. Nagfacilitate ng break-out session sa AYLC Caravan sa Republic Central Colleges sa Angeles City. Nakilala ko ang ilan sa aking mga kapatid sa AYLAII Central Luzon.
  83. Nag-enjoy sa mga bata sa leadership training para sa Diocese of San Fernando sa Arayat, Pampanga.
  84. Naimbitahan ng PREDA Foundation na magbigay ng seminar workshop sa Basic Journalism para sa plano ng AKBAY na magkaroon ng sariling newsletter.
  85. Naimbitahang magbigay ng input sa leadership training ng AKBAY PREDA Foundation na ginanap sa D’ Farm, Masinloc, Zambales.
  86. Na-enjoy ang McDo treat kasama ng mga Peter Boys pagkatapos nilang ibigay ang kopya ng kanilang isinadulang pelikula ng Noli Me Tangere! Sana maulit!
  87. Nagdeactivate ng Facebook ko. Medyo naburnout lang! Medyo lang naman!
  88. Nabili ko ang bago kong lappy, early Christmas gift ko sa sarili ko.
  89. Naging bahagi ng isa sa mga pinakamalalaking proyekto ng TOSP R3ACH, ang aming Batch project, ang Project Sibol na isinagawa sa GK Tibagan sa Tarlac.
  90. Dumalo noong Pebrero ng CALABARZON Regional Schools Press Conference sa Batangas kasama si Dianne Espanillo. Proud coach!
  91. Nagsilbing Commencement Speaker sa aking elementary alma mater, Balaybay Resettlement Elementary School.
  92. Nagsilbing Guest Speaker sa Day Care Center of Balaybay Resettlement Moving-Up Cereminies.
  93. Nagsilbing Commencement Speaker sa aking high school alma mater, Castileljos Resettlement High School.
  94. Nagsilbing Graduation Speaker sa private school sa Dasmarinas, Cavite. Naenjoy ko yun nang sobra!
  95. Nag-enjoy sa BSED I Swimming getaway kahit hindi ako nakapagswimming. Sana nagustuhan nila yung ice cream na dala ko!
  96. Naipagpatuloy ko ang aking annual Christmas card writing at ibinigay ko sa ilan sa aking mga estudyante.
  97. Na-enjoy ang mga family birthday celebrations at get-together. Masaya kasama ang pamilya lalo pag may Videoke!
  98. Nagpresent ng aking research sa Annual Research Review ng RMTU. Kabado pero kinaya. Kasama ko si Ma’am Kenn at Ma’am Jo!
  99. Nagpunta ng Book Fair sa Mall of Asia at pumili ng mga libro para sa pamantasan.
  100. Higit sa lahat, nabiyayaan ni Bro ng napakaraming biyaya at pagpapala ngayong 2013. Tunay na wala na akong mahihiling kundi ang patuloy na pagbuhos ng mga ito!

 Thanks Bro! The best ka talaga! Maligaya, masagana, manigo at maalwang Bagong Taon sa lahat! 

Castillejos, Zambales

Enero 1, 2014