Mga Genre ng Pelikula (Filipino III)

Comedy (Komedya) – pelikula kung saan ang mga nagsisiganap ay nagsasaad ng kasiyahan o lihitimong pagpapatawa sa bawat salitang mamumutawi sa kanyang bibig. Ang komedya ay maaari ding walang salita na nauso noong panahon ng Silent Movies na makikita di sa pagsalita ng bibig kundi sa pagkilos ng katawan.

Musical (Musikal) – pelikula kung saan ang mga bidang lalaki at babae ay nagsisipag-awitan. Ang isang musikal na pelikula ay matatawag din kung ang mga bida ay nagsisipagsayawan sa maka-klasikong kaugalian man o makabagong panahon sa tunog at indak ng musika.

Adventure (Pakikipagsapalaran) – pelikula kung saan ang kwento ay nagaganap sa iba’t ibang lugar at tumatalakay sa mga tao o lunan ukol sa angkop na pagkakarehistro ng nangyari sa kwento ng pelikula.

Action (Aksyon) – pelikula kung saan ang isa o mas marami pang bida ay inilagak sa sunud-sunod na mga pagsubok o hamon na nangangailangan ng pisikal na pakikipatunggali at mga masasalimuot na paglalabanan.

Biographical (Pantalambuhay) – pelikula kung saan komprehensibong tumatalakay sa tunay na buhay ng isang tao na may diin sa pinakamakasaysayang kabanata ng kanilang buhay.

Crime (Krimen) – pelikula kung saan nakapokus sa buhay ng mga kriminal na umiinog mula sa tunay na buhay ng mga kriminal hanggang sa mga nilikhang karakter na may napakasamang katauhan.

Drama – pelikula kung saan nakadepende sa mas malalim na pagbuo ng mga realistikong karakter na tumatalakay sa mga temang emosyonal gaya ng pagkalango sa alak, pagtataksil, diskriminasyon, sekswalidad, kahirapan, karahasan o korapsyon.

Epic (Epiko) – pelikula na nagbibigay-diin sa dramang pantao sa mas malawak na anggulo na karaniwang tumatalakay sa mga kaganapang maalamat, mahiwaga at makasaysayan.

Fantasy (Pantasya) – pelikula na may temang pantastiko na kinapapalooban ng mahika, mga kakaibang pangyayari o mga kakaibang nilalang.

Horror (Katatakutan) – pelikula na humihikayat ng negatibong reaksyong emosyonal mula sa mga manonood sa pamamagitan ng pag-antig sa takot nito. Karaniwang ginugulat at pinanginginig ng pelikulang ito ang mga manonood.

Science Fiction – pelikula na base sa mga pangyayari na hindi tanggap ng agham gaya ng daigdig ng mga aliens, mga kakaibang nagagawa ng tao at paglipad sa ibang panahon.

 

Maayos na sinalansan ni G. Danilo V. Rogayan Jr., Guro sa Filpino III ng St. Thomas More Academy, Bacoor City.

Gabay sa Pag-aaral sa Filipino III (Ikalawang Mahabang Pagsusulit, Ikalawang Markahan)

Paksa / Kasanayan

Uri ng Pagsusulit

I

II

III

IV

V

VI

I. Matamis ang Liwanag

5

2

3

II. Kaganapan ng Pandiwa

2

2

2

III. Pagbubuod

4

1

1

IV. Bangkang Papel

1

2

2

6

V. Genre ng Pelikula

4

2

VI. Noli Me Tangere: Kabanata 23 – 28

10

1

Kabuuan

4

10

10

10

10

6

Mga Pananda:

I. May Pagpipilian

II. Paghahanay

III. Minodipikang Tama o Mali

IV. Pagkilala

V. Pagsusuri ng Pahayag

VI. Pagsusunud-sunod

Gabay sa Pag-aaral sa Filipino III (Unang Mahabang Pagsusulit, Ikalawang Markahan)

Paksa / Kasanayan

Uri ng Pagsusulit

Blg. ng Araw ng Pagsasaysay

Blg. ng Aytem sa Pagsusulit

Pagkakalagay sa Pagsusulit

I

II

III

IV

V

I. Usaping Pangkalikasan at Bisang Pampanitikan

2

4

1

6

I. 1-2

III. 1-4

II. Kaligirang Pangkasaysayan ng Dulang Pantelebisyon at Pampelikula

2

3

1

1

6

I. 3-4

II. 1-3

V. 1

III. Tinig ng Pandiwa

3

3

1

6

I. 5-7

IV. 1-3

IV. Pagsulat ng Balita

1

4

3

3

2

11

I. 8

III. 5-8

IV. 4-6

V. 2-4

V. Mga Elemento ng Pelikula

2

2

2

1

6

I. 9-10

II. 4-5

IV. 7-8

VI. Noli Me Tangere: Kabanata 14 – 22

10

2

2

1

3

15

II. 6-15

III. 9-10

IV. 9-10

V. 5

Kabuuan

10

15

10

10

5

9

50

 

Mga Pananda:

 

I. May Pagpipilian

II. Paghahanay

III. Minodipikang Tama o Mali

IV. Pagkilala

V. Pagsusuri ng Pahayag

 

 Paghusayan ang pagsusulit!