Recognition Day Address – 19th Recognition Day of Balaybay Resettlement Area Day Care Centers

By Danilo V. Rogayan Jr.

Delivered during the 19th Recognition Day of Balaybay Resettlement Area Day Care Centers, Purok 8 Plaza, Balaybay Resettlement,
Castillejos, Zambales on March 18, 2013.

Distinguished guests, our untiring MSWDO of this municipality, Ms. Josefina Pagulayan, the highly competent Day Care Workers, Ma’am Evelyn Gallardo, my former primary school teacher, Ma’am Donna Bhell Casiano, Ma’am Gina Rufo and Ma’am Virgie dela Cruz, the supportive barangay captain of Balaybay, Hon. Arturo Manzano, to the Committee on Education Chair of this barangay, Hon. Rogelio Mata, the very energetic municipal mayor and vice mayor, Hon. Jose Angelo Dominguez and Hon. Resty Viloria, SB Member in charge of the Committee on Social Services, Hon. Voltaire Avera, to the Day Care children, parents, friends, ladies and gentlemen, a pleasant afternoon to one and all.

Exactly fifteen years ago when I am like these kids, wearing my elegant toga, sitting with my fellow pre-schoolers and waiting for my certificate to be handed to me as a proof of my recognition. What is special about it was that I had my recognition also here in Balaybay Resettlement for I spent my primary schooling in the Day Care Centers here in our barangay. Thanks to the supervision and guidance of my pre-school teachers for what I have become. And now, I am here to give back what I have learned and to be a living witness of how great and fine these kids will become in the future after our untiring DCC workers molded and equipped them to become better persons.

DSC_8155

DANILO VILLAR ROGAYAN JR.

Isang pagbabalik-tanaw at pagpapasalamat para sa akin ang araw na ito. Isang pagbabalik-tanaw sa mga alaala na aking nabuo sa mga unang taon ko sa pag-aaral at pagpapasalamat sa lahat ng mga nag-ambag ng aking pagkahubog bilang isang indibidwal. Hindi madali para sa ating mga guro lalo sa antas primarya ang proseso ng paghubog at pagpanday ng mga batang ito. Ito ay lubos na nangangailangan ng mahabang pasensya, pagtitiyaga at sipag. Kung kaya’t nakatutuwang isipin na sa makasaysayang araw na ito kikilalanin ang kahusayan at angking talino ng mga batang ito sa tulong na rin ng ating masisipag na mga guro maging ng ating mga magulang. Lubos din akong nagagalak sapagkat dama ko ang katuwaan ng bawat isa sa napakahalagang araw na ito. Sapagkat ang araw na ito ang simula ng mas matayog nating mga pangarap para sa mga batang ito na kalaunan ay magiging mga lider sa iba’t ibang larangan ng ating lipunan.

Ang 19th Recognition Day na ito ng Balaybay Resettlement Area Day Care Center ay patunay lamang ng patuloy na pagpapahalaga ng ating pamahalaan sa karapatan ng mga bata na magkaroon ng de-kalidad na edukasyong pamprimarya. Ito rin ay katibayan na ang DSWD ay patuloy sa kanilang adhikain na mabigyan ng pangangalaga ang mga batang ito at mabigyan sila ng pagkakataon upang hubugin ang iba’t ibang aspeto ng kanilang katauhan, ito ma’y intelektwal, pisikal, moral, sosyal o espiritwal.

Napapanahon an tema ng pagdiriwang na ito, “Bright Child ay Siguruhin, Responsableng Pamamahayag ay Palaganapin.” This theme underscores the debt of excellent and ethical work that traditional, mass and new media practitioners owe to our children. Ang ating mga Day Care Centers sa tulong na rin ng mga DCC workers ay naatasan ng ating pamahalaan upang maging pundasyon sa panlinang ng kakayahan at pagpanday ng karunungan ng ating mga bata. Kaya kayo mga bata, sinisikap ng ating lokal na pamahalaan na maging maayos ang mga serbisyong inihahain ng ating mga day care workers sa inyo. Dapat kasing matiyak na kayo ay magiging bright child kapag nakapagtapos na kayo ng day care. Bright sa iba’t ibang larangan gaya ng arts, music, numbers, alphabet at higit sa lahat, bright dapat kayo sa tamang asal at pag-uugali. Ang tanong ko ngayon sa inyo, bright child ba kayo? Very good!

Kasama rin sa ating tema ang pagpapalaganap ng responsableng pamamahayag o responsible journalism. Ngayon na laganap na ang iba’t ibang teknolohiya, nag-iiba na rin ang mga midyum na ginagamit sa pamamahayag, gaya ng paggamit ng Internet. Ang pag-usbong ng mga ganitong midyum ay lubos na nakaaapekto sa paghubog ng isang bright child. Paano nga ba tayo makatutulong sa adhikaing ito sa pagpapalaganap ng responsableng pamamahayag?

Sa mga magulang at guro, kinakailangan na timbangin natin ang mga uri ng palabas na dapat at hindi dapat mapanood ng ating mga anak, kung hindi man, sapat na patnubay at gabay ang dapat nating ibigay sa kanila sakali mang may mga bagay silang gustong tanungin hinggil sa kanilang mga napapanood o napakikinggan. Isa pa, kinakailangan na mabigyan natin sila ng gabay sakali mang gumagamit na sila ng iba’t ibang gadgets gaya ng cellphone. Ang ating mga lider sa ating lokal na pamahalaan naman ay maaaring magpasa ng mga ordinansa na tuwirang susuporta sa ganitong adhikain. Kung magagawa natin ito, tiyak na maraming bright child ang ating makikita sa mga susunod pang mga taon.

Ako mismo ay isang buhay na patunay ng ating mga day care centers ay nakahuhubog ng mga bright child, kung kaya’t binabati ko ang mga magulang sa pagtitiwala na inyong ibinigay sa ating mga dedikadong DCC workers upang sila ang maging mga gurong papatnubay sa inyong mga anak bago sila tumuntong sa mas mataas na antas ng pag-aaral. Ang aking pag-aaral noon dito ay nagbigay sa akin ng lakas at inspirasyon upang paghusayan ang aking pag-aaral sa kabila ng kahirapan ng buhay. Hindi man kami ganoon kariwasa sa buhay, hindi ito naging balakid upang matamo ko ang pinakamataas na parangal sa aking elementarya at sekundarya at upang mas paghusayan ko pa ang aking pag-aaral sa kolehiyo. Ang aking mga nakamit at mga makakamit pa lamang ay utang ko sa aking mga unang guro at sa aking pag-aaral sa Day Care Center. Ito ang aking naging unang hakbang upang lumago, humusay at tumatatag bilang isang tao.

How can this year’s theme be an impulse for taking care of less fortunate children? Can the Department of Social Welfare and Development spread information as to who the public can contact if they see abandoned children? Can educators set up a mechanism for a citizen to alert them whenever they spot truant children? Can barangay tanods strictly enforce curfews and be zealous in conducting roving patrols of places that are likely to be hideouts of children who sniff rugby? Can people refrain from giving money and give food instead to street children so they don’t use the money to buy drugs? The government and the public need to step up its outreach for neglected children now or suffer the loss of a generation of potential talent.

Ladies and gentlemen, these kids are very fortunate for they have experience day care service. May they continue to be guided by the parents and teachers alike as they move on to higher levels of education.

I would like also to take this opportunity to salute the MSWDO headed by Ms. Josefina Pagulayan for ensuring that all the day care centers here in this area cater to the needs of our children for them to grow bright and competent and ready to face the challenges ahead of them.

My admiration also goes to the enthusiastic DCC workers for your immeasurable efforts and sacrifices to teach and mold these kids into better persons. I know how hard it is to do the task especially that they are still too sensitive, too young and too weak. You really are the unsung heroes of our communities. Saludo po ako sa inyo!

To the parents, I would like to express my heartfelt gratitude because you have successfully accomplished sending your kids in these day care centers. I also salute you for valuing the education of your children. Your sacrifices are beyond compare. May you continue supporting your kids until they finish their schooling and fulfill their respective dreams.

To all the kids who were recognized a while ago, my warmest congratulations to all of you! Simula pa lang ito kids ng pag-abot ninyo ng inyong mga pangarap sa buhay. Gaya ko, nangarap din ako noon. Sabi ko, gusto kong maging teacher. Nag-aral ako nang mabuti, nagsikap at nakinig sa aking parents at teachers. Alam ko na kayo ay may kanya-kanya ring pangarap, di ba? Sino ba sa inyo ang gustong maging pulis? maging doktor? maging nars? maging teacher? maging engineer? maging abogado? maging businessman? o kaya naman maging artista? Yun oh! Kung gusto ninyong matupad yan, kailangan na maging masunurin tayo sa mga nakatatanda, huwag nating kakalimutan lahat ng mga itinuturo nila sa atin lalo na ang pagdarasal kay Papa Jesus! Ayos ba yun?

To end, I would like to express my deepest thanks and sincerest appreciation to the MSWDO together with the DCC workers for the trust of inviting me as your guest speaker for this remarkable event. It is indeed a great pride and honor for me and I really had a great time. I hope I was able to inspire and move these kids as they embark on to their next journey ahead.

Once again, congratulations to all the recognized pre-schoolers, to the teachers and to the parents. Thank you, Godspeed and good afternoon!

1 Comment

  1. Pingback: How to Own a Daycare : Daycare Center Marketing | Child Care Worker

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s