Grateful to Have Met You All!

As I leave the portals of RMTU – San Marcelino Campus and about to finish my degree in Secondary Education Major in Biological Science this coming April 12, 2012, it is with euphoric jubilation to thank and acknowledge the people, who in one way or another, have helped me to be where and who I am now.

I would like to give my highest tribute and profound gratitude, first and foremost, to RMTU San Marcelino Campus. For giving me a second home – a home where I was able to know myself better, a home where I was able to discover my innate potentialities, a home where I was able to meet true and genuine people and a home where I was able to hone my skills and talents as a future educator. RMTU San Marcelino Campus may not be the best higher learning institution in this country, but I may say that it is one and only when it comes to the development of future professionals not only with knowledge and skills but most importantly, persons who possess good values, good virtues, good character and good attitude. Salamat sa iyo sa pagpapatuloy sa akin sa nagdaang apat na taon, ako man ay nagagalak sa aking pananatili sa iyo sa kabila ng mga hindi magagandang pangyayari na sumubok sa aking katauhan at pagkatao. Hinding-hindi ko malilimot ang masasayang alaala maging ang mga hindi kagandahan na nabuo sa loob ng iyong kinalalagyan. Ang puno ng Bangar ang nagsilbing pipi at binging saksi kung paano ako nahubog upang maging isang mabuti at madignidad na indibidwal.

To RMTU San Marcelino faculty, my teachers and mentors, thank you for your exceptional dedication and commitment in teaching. Thank you for sharing me valuable knowledge and precious experiences which polished me into a better individual. I would be forever indebted to you all. You made me realized how important my chosen profession in our today’s society. Ang karunungan, mga karanasan at mga kaasalan na inyong ibinahagi ang siyang humulma sa kung ano ako ngayon. Ang inyong tunay na pagmamalasakit, pagmamahal, pagkandili at pagtitiwala ay babaunin ko sa aking paglisan sa ating pamantasan. Salamat po sa inspirasyon at sa pagkakaroon ng malaking pitak sa aking katauhan at pagkatao!

To the nonteaching staff – to the admin staff, library staff, RET staff – my deepest thanks for your benevolence and magnanimity. You made me feel at home in the campus because of your sincerest gestures. Thanks for the shared life lessons, I will forever remember those. You taught me to remain humble despite of the overwhelming blessings God is giving me. You taught me to ignore things that are not worth thinking. Aalis man ako ng ating pamantasan ngunit mananatili pa rin po ang inyong ipinakitang kabutihan sa akin. lagi kayong nagpapasalamat sa lahat ng aking ginawang serbisyo sa inyo ngunit hindi nyo po alam na ako ang dapat na magpasalamat sa inyo sapagkat binuo ninyo ang aking pagkatao. Tinuruan ninyo akong mas maging mapagbigay sa kapwa, ipinakita ninyo sa akin na dapat kung ibahagi ang talino at kakayahang meron ako sa kabutihan ng aking kapwa. Habambuhay po ang aking pasasalamat sa inyo! 

To my organizational advisers and consultants, my ardent gratitude for your never-ending motivation, guidance and encouragement. Without you, I will not be a good student leader just like what I am now. You energized my passion to serve my fellows without waiting in return or personal interest. You made me realized that selfless service equates volunteerism. You taught me that I shall serve because I want it not because there is a reward or award at the end. Awards or recognitions are but a bonus of a dedicated, selfless, genuine and committed service. Hinding-hindi ko po malilimot ang mga aral na inyong itinuro, maging ang mga alaala na ating pinagsaluhan sa pagdaraos ng iba’t ibang programa, proyekto at mga gawain sa kabila ng pagtutol o paghadlang ng iba. Itinuro ninyo sa akin na hindi para sa atin ang mga ito bagkus para sa ating mga mag-aaral na nangangailangan ng ating paglilingkod. Maraming salamat po!

To the Dean of the College of Education, Arts and Sciences (CEAS) Dr. Nestor Z. Rondina, thank you Sir for the fatherly concern, for the encouragement and for the unparalleled guidance. You taught me Sir how to be a good educator – that is to possess the necessary knowledge, the needed skill and the valuable attitude or the KSA. Thank you Sir because you stayed by my side in my triumphs and defeats. I would always remember all what you have advised me. Kayo po ang nag-iisa kong tatay sa ating pamantasan at nagagalak po ako na kayo ay makilala. Salamat po sa pagtanggap sa akin sa ating dalubhasaan. Lagi niyo pong sinasabi sa akin na ako ay karangalan ng CEAS ngunit sasabihin ko po na ang pagiging bahagi ko ng CEAS ay ang siyang tunay kong karangalan.  Isa rin pong napakalaking karangalan sa akin ang inyong pag-abang sa baba ng entablado at ang inyong mahigpit na pagyakap. Ito po ay nagpadama sa akin kung gaano po ninyo ako kamahal. Hindi ko man po nakuha ang ilan sa mga pangarap ko, sapat na po ang inyong yakap upang pawiin ang lahat ng sakit na aking kinikimkim sa mga huling araw bago ang pagpaparangal.  

To the Dean of the College of Agriculture and Veterinary Medicine (CAVM) Prof. Anita A. Fabro, thank you Ma’am for the motherly love and concern. You taught me to keep my values and not to be influenced with the evil things in my environment. Thank you for standing on my side and for believing in my capacity. I know Ma’am how you were affected about it, but I may say that life is really unpredictable. Hindi po mapapantayan ng mga materyal na bagay ang ipinakita ninyong malasakit sa akin. Ang init po ng inyong yakap, nang bumaba ako ng entablado matapos kong matanggap ang mga iginawad sa aking karangalan, ay tunay na nagpalakas pa sa aking humihinang loob. Ipinaalala po ninyo sa akin kung gaano karami ang nagmamahal at nagtitiwala sa akin. Salamat po!

To the Dean of the College of Hotel and Restaurant Management (CHARM) Prof. Nora A. Alcayaga. Thank you for the motivation and encouragement. You taught me to be humble in victory and gracious in defeat. Hindi ko po malilimutan ang yakap ninyo matapos akong parangalan. Lalo’t higit ang mga binitiwan ninyong salita na nagpalakas ng aking loob. Marami pong salamat!

To my BSED IV Biological Science family, thank you for the shared memories, for the laughter, fun and for the comradeship. I may not be a good Bio Sci student without you all. I would never forget each one of you. And more importantly, I would never forget the goodness of your hearts. Mananatili kayong bahagi ng aking puso anuman ang mangyari. Natutuwa ako sapagkat sa atin, binuo natin ang pagkakaibigang walang pag-iimbot at walang pagpapanggap. Kung papansinin ninyo, hindi uso sa atin ang pag-aaway sapagkat nabubuhay sa atin ang diwa ng pag-uunawa at pagmamalasakit. May mga hindi man tayo pagkakaunawaan, batid kong bahagi iyon ng mas matibay pa nating samahan sa hinaharap. Mamimiss ko ang sabay-sabay nating salu-salo sa ilalim ng puno ng kasoy at sa puno ng mangga, ang ating Biyaheng Anawangin na hinding-hiondi ko makakalimutan, ang ating  Vermiculture project na minsan ay pinag-aawayan pa natin kung sino ang magtitingin at ang bawat araw ng ating laboratory activity kay Ma’am Karen sa Lab. Ipinagmamalaki ko kayong lahat Monina, Lala, Hazel, Ate Werlyn, Edjohn, Karl, Arthur and Andrew! Salamat sa inyo at patawad sa aking mga naging pagkukulang!

To my BSED IV family, thank you for the past four years of happy and sad memories. I may not be the best classmate that you had, still I am grateful of knowing you all. I will never forget the lessons I learned from each one of you. Binuksan ninyo ang aking mata maging aking puso sa kung ano nga ba ang tunay na kahulugan ng buhay. Tunay ngang hindi madali, hindi basta-basta, madawag at baku-bako ang daan ng buhay.  Ngunit ang bawat paghihirap na ito ang nagturo sa akin upang mas maging matatag, mas lumaban kung kinakailangan kahit labag sa aking kalooban kasi kung hindi ka kikilos, magagapi ka ng buhay. Hindi man naging maganda ang ating naging samahan dahilan na rin sa ilang mga externalities, maraming marami pa rin akong natutunan sa inyo at iyon ang patuloy na magpapatibay sa akin! Ang aking katauhan at pagkatao sa ngayon ay nahubog nang malaki dahil sa inyo sapagkat kayo ang nakasama ko sa huling apat na taon ng aking buhay. Anuman ako ngayon ay dahil na rin sa inyo! Maraming salamat sa pagkakataong nakilala ko kayo!

To my adings in the campus, my Technoscribe family, my CEAS family, my SSIR-RDS family, my Quantum family, my LHS friends, my HRM friends, my Agriculture friends, my ACS friends and to all my friends and confidantes, I owe you a lot! You never knew how much I am grateful for having you in my life during my stay in SM Campus. You taught me everything that I wasn’t able to learn inside the four corners of our classroom. Thank you for the genuine friendship, for the real love and concern and for caring for me. Lagi na lang kayong nagpapasalamat sa akin, panahon naman upang kayo’y aking pasalamatan. Salamat sa bawat araw na pinapasaya ninyo ako. Salamat sa mga aral na patuloy ninyong ibinabahagi sa akin. Maging sa mga awit ng papuri at paghanga, maraming maraming salamat! Binuksan ninyo ang aking puso upang maging mapagbigay, maging matulungin, maging masayahin, maging mapagkumbaba at maging mapagpasalamat. Sa aking paglisan, nawa’y nakapag-iwan ako ng mga kakintalan at aral sa inyo upang patuloy ninyong magamit sa inyong paglalakbay sa mundo ng pag-aaral. Magsikap kayo at patuloy na abutin ang inyong mga pangarap! Salamat… salamat!

To all the people who believe in my capacity, who never question my ability and who motivated to improve my skills and talents, I sing the sincerest melody of my gratitude to all of you! You gave me reasons to go out of my comfort zone and to stand firmly yet humbly on my own. You made me realize that I can do more than I am capable of. Wala pong pagsidlan ang aking tuwa at pasasalamat sa inyong lahat! Mananatili kayong bahagi ng aking tagumpay!

To my former teachers in elementary and high school, my mentors and my advisers, thank you for your greatest contributions in my personality! I was able to achieve more than I expect to attain and this is because you have trusted and believed in me. Malaking papel po ang inyong ginampanan upang mailagay ako sa kung saan ako ngayon! Isang pagpupugay at pasasalamat po sa inyong lahat!

To my genuine friends in elementary, in high school and in college, thank you for the friendship and companionship. Thank you for serving as my strength whenever I feel down. You made me realize that quantity of friends is useless, what’s more important is the quality of friends! Nagpapasalamat ako sapagkat patuloy kayong nariyan – nagtitiwala at naniniwala. Hinding-hindi ko makakalimutan na minsan sa buhay ko ay nakakilala ako ng mga gaya ninyo na tapat, tunay at totoo! Huwag sana kayong magbabago sa kabila ng mga pagbabago ng lipunan! Pasasalamat ang sa inyo ay nararapat!

To my family, my parents, my siblings, uncles and aunts, and grandparents, thank you so much! You never pressured me to get this and to get that and for that I am thankful! You made me realize that I should not have to be cum laude, magna cum laude or summa cum laude for you to be proud of me. I’m grateful that you understand and believe in my capacity. I may not be graduating with Latin Honors this coming April 12, 2012, I am happy to offer you my diploma. Ang diploma pong ito na ipinangako ko na ihahandog ko sa inyo ang siyang simbolo ng inyong paghihirap, pagsisigasig at pagpupunyagi upang ako’y makapagtapos. Salamat po sa walang-sawang pagmamahal, pag-aaruga at pagtitiwala. Naani ko na po kamakailan ang mga parangal na aking pinaghirapan sa loob ng apat na taon at ito po ay iniaalay ko sa inyong lahat! Ang mga medalya at sertipiko na ito ay bonus lamang para sa akin, ang pinakamahalaga sa lahat ay ang mga magagandang asal at ugaling itinuro ninyo sa akin. Gaya nga po ng lagi ninyong sinasabi sa akin, “Anak, higit sa talino at kakayahan, ang kababaan ng loob at kabutihan ng iyong pagkatao ang higit naming ikasisiya.” Ito po ang patuloy kong pinanghahawakan at nagsisilbing aking patnubay.

To my mom, wherever she may be thank you Mama! This is it, I am about to offer you my diploma. Remember when I went to talk to you in your grave years ago? I promised you that I will finish my schooling and offer you my diploma. Nagpapasalamat ako kay God dahil hinding hindi niya ako pinabayaan at sana masaya ka na kasama Siya ngayon. Minsan umiiyak ako pag naaalala kita. Minsan tinatanong ko rin ang sarili ko, proud kaya si Mama sa akin? Kung nandito ka lang sana Mama, mas masaya sana. Pero alam ko lahat ay may dahilan at alam kong bahagi ito ng plano ng Diyos para sa akin. Salamat Mama, miss na miss na miss na kita!

To my detractors and critics, I love you all! You made me stronger and audacious enough to surmount all the struggles that come on my way. Likewise, you made my stay in SM Campus truly exciting! I will always pray for you all! Gaya nga nang sinabi ko, hindi magiging buo ang aking pagkatao kung lagi na lamang saya at tagumpay kung kaya’t salamat sa pagdudulot ninyo sa aking ng lungkot, sama ng loob at hilahil! Binigyan ninyo ako ng pagkakataong mas maging matibay gaya ng puno ng mulawin!

Above all, I thank you to the Great Mentor and the Great Architect of Life – the Almighty God – for the prolific and fruitful life, for the plenteous blessings and graces, for the strength and resilience that I used in surmounting worldly afflictions and tribulations, for the protective guidance, for the gift of humility and open-mindedness, and for the sagacity and wisdom which he lent me to achieve and fulfill my dreams, goals and aspirations in life. Wala pong kapantay ang inyong kapangyarihan Ama kung kaya’t ipinagkakatiwala ko po sa Inyo ang lahat ng meron ako ngayon! Patawad po sa aking mga kasalanan, kamalian at kakulangan! Batid ko pong hindi ako naging mabuting anak sa Inyo ngunit patuloy ko pong ginagawa ang mga bagay alinsunod sa Inyong kautusan! Salamat Ama, salamat sa lahat ng biyayang ito!

***

I also would like to give the following space as my way of my appreciation to the people – my mentors, teachers, family and friends – who have conveyed their message of congratulations! I appreciate your congratulatory messages as well as those personal greetings and hand shakes others have given me!

Hello Dan, congratulations! I am one of the many who is that proud of you Dan. I’m grateful and will always be grateful to you that for four years of your collegiate education, you have welcomed me to become part of your own masterpiece… You will always occupy a unique part in our hearts and to all the people you have inspired… More than the awards you have is the character you have developed, a character worth emulating!!! Maraming salamat sa’yo Mr. Danilo V. Rogayan Jr. For sure, your father cannot ask for more, having you as his son. I’m looking forward to see and work with you again! It’s true that I’ve justified the value of teaching as a vocation. Thanks for inspiring us! I always pray that you succeed in every endeavor you have, the bigger world awaits you Dan! – Sir Eric DS Ebro

Congratz Anak! You deserve your awards more than we expect! Ma’am Cecilia Santiago

Ang cute mo pa lang umiyak! Hehehe. Ang dami nga ding umiyak kanina at nung pagbaba mo sa stage, sumalubong ang lahat ng nainiwala sa iyo! You deserve all your awards. Kulang pa nga un eh! Grabe ang haba ng eksena mo! Ganyan talaga, pinagpapala ang tunay at tapat na tao! Congrats! – Ma’am Reyna Lyn A. Sahagun

 

Sa LET, galingan mo ah, I’ll pray na magtop ka. Stay humble ha. Bilib talaga ako sa’yo! Sana naging mgkabatch tayo para mas nainspire ako mag-aral. Hehe. You’re definitely one of the best Ramonians I’d ever known. Kasi humble ka pa rin in spite of what you have. Always keep in touch ha! God bless! – Ma’am Kenn Lesley M. Gagasa

Ang sweet mo talaga. Naantig ang puso ko. Di rin kita malilimot. And I will forever trust you. I will pray for your success and happiness! – Dr. Ma. Ester DLR Mariñas.

You deserve your awards! Keep it up and good luck! – Ma’am Lea F. Dollete

Congrats Dan! Para sa akin over rated you pa sa mga awards na binigay sayo. You’re truly a pride and joy of this campus. I myself also proud na naging part ako sa mga success mo. Sa lahat ng mga tagumpay na tinatamo ay deserving ka. At from the very start, I know then na you’re destined to be an achiever. Keep it up and continue as an inspiration. Be nice and humble. Mamimiss dito sa campus ang batch nyo higit sa lahat ay ikaw, mamimiss ka namin dito. Congrats! – Sir Marlon N. Fulgencio

You deserved your awards because you really worked hard for these! And am happy for you. May you always be that true Dan I know four years ago. Keep your feet in the ground. Take the board exam after and look for good employment. Who knows! You’ll be the next Science Education Supervisor or higit pa. Keep on dreaming. Keep the faith and you’ll have it! Congratulations dear. Mwaaahh! – Ma’am Karen P. Andres

Super Congratz Sir! May kulang sa award. Di mo napansin? Siguro sa graduation na yun. Haha. Best actor! Ejay Tomboc

Congrats Dan! I’m so happy and I’m proud of you Kapatid! You deserve that! Kakaiyak naman kasi yang mga awards mo! Super blessing talaga yan! – Ate Diane

Congratulations, Danilo! I’m confident that you have great things ahead of you. Keep up the good work! – Engr. Oscar O. Pantaleon Jr.

Congratulations Dan! Isa kang model student! – Ate Dhev

Nakatataba ng puso ang mga pagpupugay mula sa iyo kaya malapit sa iyo ang biyaya dahil di ka nakakalimot ang kababaan ng iyong puso ang siyang nagpapataas sa iyo. Congrats! – Ma’am Mila Hipolito

Pinaiyak mo ako kaninang umiyak ka. You deserve it all. We’re very proud of you! Ma’am Mendaluz Laguatan

Naiyak ako sa’yo kanina. Kainis ka! Congrats! – Ma’am Bevery N. dela Cruz

Good luck Dan! You deserved your awards! Always remember that I’m always here not only as your Dean but as your Big Brother, as a father and as a true friend! Dan, 99% of teachers in our campus believe in you! I’m very optimistic that you will be one of my CEAS Faculty, just signify your interest and I can offer you my humble assistance. – Dr. Nestor Z. Rondina

Stay strong. Move forward. And aim higher! Congrats Long, we are very proud of you! Ma’am Marietta S. Romera

Congratz Kapatid! Well deserved! Good luck for a bright future ahead! Shine like Jesus and continue to be a blessing to others. I am proud of you! – Sir Angel delos Reyes

Congrats Dan! Sana di ka magbabago sa amin lalo na sa akin. – Sir Earl Villanueva

Proud kami sa’yo Dan! Napaiyak mo pa kami kanina. At natuwa ako at maraming pumalakpak sa iyo! Congratz and God bless you! – Ma’am Junet Agpalo

Congratulations! It’s your big day today! Hugs! You deserve it Long! Keep punching! – Dr. Jo A. Espiritu

Congrats Kapatid! You deserve it my dear friend! Pasensya ka na hindi ko masasaksihan ang mga awards na iyon! – April Joy D. Valdez

He is not always feeling blue

He makes others’ life meaningful out of every hue

I will not give hint nor clue

But this is what is true

He is my dude pasted in my hear as thick as a glue

Hey dude, Congratulations!

– James E. Robison

Congrats Kuya DanDan! Natutuwa po ako sa’yo! – Manuel Q. Garcia Jr.

Challenges make us smarter, wiser, braver and sometimes stubborn, willing to take risks. More fruits to harvest Dan! – Sir Jerry S. Cristobal

Congrats Kuya! Everything you have right now, you deserve it! Pinagharapan mo yan Kuya. Wag na lang po paaapekto sa ibang tao! Dami po pumalakpak sa awards mo kanina. Hehe. Galing! Bow talaga ako sa iyo Kuya! Congrats po uli! – Bryan Dennis F. Gayos

Keep high, enroll agad ng masteral while the iron is still hot. malaki ang role mo sa educational system natin. Share your talent Dan! Congrats for all your accomplishments. You have contributed a lot to the university. Kudos! Keep going! Take care always! – Sir Ferdinand Domingo

Congrats! Super proud ako sa’yo! – Adonis delos Santos

Ang galing-galing nyo po talaga! Congrats Prof! – Michael S. Macabulos

Congrats po sa lahat ng achievements! You deserve all of those! You’re a gift from God and a blessing to others! Justine R. Langit

Congrats Kuya Dan! Dami mo awards! And you all deserve it! So proud naging katabi kita kanina [sa recognition rites]! – Monina Joy S. Ico

Dan, congrats sayo! Dami ng awards ah! Blowout na pala! – Viel Torres

Nagbunga na po talaga lahat ng pinaghirapan mo. Congrats Kuya Dan! – Alvin F. Panes

Congratz po Kuya Dan! You deserve talaga yung mga awards na iyon! God bless you more Kuya Dan! – Marion

Congrats po Kuya Dan. Balita ko hakot awards ka raw eh. God bless! – Norvin de Ocampo

Kuya Dan, congrats po! Grabe! Galing mo talaga! Kabilib! Idol! – Walter G. Lara

 

Maraming salamat po! Dios mabalos!

04.05.2012.14:15

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s