Balik Tanaw 2011

Ang taong 2011 ay tuluyan na namang mamamaalam. Muli ang mga kaganapan na nangyari sa taong ito ay magiging bahagi na naman ng kasaysayan. Ngunit bago pa man tuluyang magtapos ang taon, hangad ko munang balikan at magbalik-tanaw sa taong 2011 na tunay na naging makabuluhan, makahulugan at tigib ng alaala. Heto’t samahan ninyo akong gaygayin ang talaan ng aking mga di makaliligtaang karanasan sa taong ito.

  1. Nahalal na Auditor ng AKBAY (Bataan-Olongapo-Zambales Youth Organization) ng PREDA Foundation.
  2. Napaiyak ni Susan David sa Mara Clara nang kanyang sabihing, “ang pagiging magulang sa kanyang anak ay ang pinakamataas na propesyon.”
  3. Nanalo sa SSG Bingo Royale Fund Raising Drive sa unang pagkakataon.
  4. Nakuha ang 3rd Place sa International Affairs Quiz Bee Competition. Salamat kay Sir Eric sa training at kay James na nakasama ko sa contest.
  5. Nakabonding ang pamilya sa Aplaya del Matang-ib sa Subic. Sobrang saya!
  6. Nag-Luzonwide sa ikalawang pagkakataon na  ginanap sa Baguio City kasama ni Ma’am Lors, Manuel at Bryan. Nakapag-uwi ng 4th place sa DevCom Writing at 6th place sa Copyreading.
  7. Dumalo ng Ayala Young Leaders Congress sa Alfonso, Cavite kasama ng 80 pinunong mag-aaral mula sa iba’t ibang panig ng bansa. Nakakilala ng mga bagong kaibigan at nakaranas ng mga kakaibang karanasan.
  8. Nakatanggap ng maraming freebies mula sa Ayala Group of Companies.
  9. Nagtanghal ng isang presentation kasama ang Kalembang Group.
  10. Pinangunahan ang pag-oorganize ng 1st Campus Day ng RMTU San Marcelino Campus kung saan kinilala ang aming klase (BSED III) bilang overall champion.
  11. Nag-stargazing sa UP-NISMED sa Diliman, Quezon City. Nag-enjoy kasama sina James, Manuel, Jaypee at Ryan.
  12. Nakiisa sa People Power Run sa Iba, Zambales kasama ng aking mga ka-AKBAY. Matapos noon ay nakilahok sa fiesta ng San Marcelino, Zambales.
  13. Nagsilbing Keynote Speaker sa 2nd Inter-Collegiate Debate ng RMTU San Marcelino Campus. Salamat kay Sir Eric Ebro sa imbitasyon.
  14. Nagkaroon ng bagong lakas makatapos dumalo sa Youth encounter na isinagawa sa PREDA Foundation.
  15. Nagfacilitate ng symposium kasama ni Edjohn Harold Tomboc hinggil sa K+12 Basic Education.
  16. Sumaksi sa elementary graduation ng aking kapatid na si Francis sa Balaybay Resettlement Elementary School.
  17. Nag-enjoy sa Buhawen Trip kasama sina Divine, James, Manuel, Jaypee, Alvin Timbol at Alvin Panes. Nagbangka sa Manuepe Lake at pumitas ng mga niyog at kaimito.
  18. Nag-layout sa ikatlong pagkakataon ng commencement program ng RMTU South Zambales Campuses kasama si Ma’am Lors at Sir Ferdz.
  19. Nakatanggap ng National Achievement Award sa ginanap na Recognition Day sa RMTU San Marcelino Campus.
  20. Dumalo sa Commencement Rites ni Ate Davielyn sa Oxford Colleges – Oxford Philippines International School sa Imus, Cavite.
  21. Nagcover ng Commencement Rites ng RMTU South Zambales Campuses kasama ni Arianne.
  22. Gumala kasama ni James at Ryan sa Olongapo. Nag-explore nang nag-explore.
  23. Naging ninong sa pangatlong pagkakataon kasama sina Luzzel, Sarah, Glory at Riliza.
  24. Dumalo sa READLANI Sportsfest kasama ang mga AKBAY sa Palayan City. Nagsilbing game umpire sa Scrabble.
  25. Naging bahagi ng 38th Alumni Homecoming ng San Agustin High School kasama si Sir Earl.
  26. Nakibahagi sa pagdiriwang ng Lenten Season sa aming bayan. Nasaksihan ang iba’t ibang live kubol at nakilahok sa prusisyon.
  27. Nagtungong Makati City para sa aking interview sa Ninoy and Cory Aquino Ledaership Journey. Matapos ay nananghalian kasama ng aking mga AYLC batchmates sa Ayala Foundation.
  28. Nagdasal sa Naga City Cathedral sa Naga City, Camarines Sur.
  29. Nag-island hopping sa Caramoan, Camarines Sur at nalagpasan ang 11 survivor challenges kasama ng Tribung Sparrow.
  30. Nanalo ng 3rd Place sa National Enviornment Essay Writing Contest na ginanap sa Camarines Sur.
  31. Nag-enjoy sa Rizal Educational Trip naming magkakaklase (BSED III). Bumisita sa Rizal Shrine sa Calamba City, sa Fort Santiago sa Intramuros, sa National Museum at sa SM North EDSA.
  32. Nag-produce ng isang film, ang Rizal Biographical Film kasama ng BSED III Rizartistas Team of Actors kaugnay ng aming Rizal subject. Nagshooting kung saan-saang lugar.
  33. Nagsilbing tagapagsalita sa Welcome and Orientation Program ng RMTU San Marcelino Campus kasama ni Bryan Balmeo. Salamat kay Ma’am Milmor sa imbitasyon at sa lunch treat sa Coffee Shop.
  34. Nagtungo sa opisina ng tatlong alkade sa iisang araw – sa Castillejos, sa San Marcelino at sa Subic – para sa Rizal Festival 2011.
  35. Naging overall chairman sa Rizal Festival 2011: Pepe at 150 kaagapay ang buong BSED IV, ang kauna-unahang pagdiriwang sa RMTU.
  36. Napili bilang Managing Editor ng Technoscribe matapos magsilbi bilang Editor in Chief ng dalawang taon.
  37. Naranasan maging tunay na guro sa loob ng apat na buwan sa Subic National High School. Salamat sa II-Anthurium, II-Sunflower, II-Catlleya at II-Mendel sa pagtawag sa aking “Sir.”
  38. Nagsilbing emcee sa ikaapat na pagkakataon sa Acquaintance Party and Induction Ceremonies ng RMTU San Marcelino.
  39. Naparangalan bilang 2011 United Nations Association of the Philippines (UNYAP) Outstanding Youth Leader for Environment na ginanap sa Iloilo City.
  40. Nagsilbing Resource Speaker sa Campus Journalism  sa tatlong secondary schools – San Agustin High School, San Miguel National High School at Josephine F. Khonghun (JFK) Special Education Center.
  41. Nagulantang sa lakas ng lindol na yumanig sa halos lahat ng parte ng bansa.
  42. Nag-island hopping sa Guimaras at natikman ang Guimaras mango.
  43. Nagkaroon kami ng mini-reunion ng AYLC batchmates ko sa Iloilo.
  44. Nagsilbing International Resource Speaker sa ginanap na forum on environment sa Iloilo City.
  45. Bumisita sa tatlong malalaking pamantasan – Central Philippine University sa Iloilo, Universidad de Sta. Isabel sa Naga City at Benguet State University sa La Trinidad, Benguet.
  46. Natikman ang batchoy ng Iloilo kasama ng aking mga ka-Kislap.
  47. Nanalo ng 2nd Place sa International Essay Writing Contest tungkol sa Millenium Development Goals (MDGs) na ginanap sa Iloilo City.
  48. Nagdiwang ng kaarawan ni Edjohn at victory ko sa Joliibee Subic kasama ng aking mga co-interns sa Subic National High School.
  49. Nagsilbing Resource Speaker sa SSG Leadership and Writing Workshop ng RMTU San Marcelino Campus.
  50. Nag-edit ng mga documents ng 16 oras sa RMTU Masinloc para sa Ayala Young Leaders Congress.
  51. Nakatanggap ng hindi mabilang na pagbati noong aking kaarawan mula sa mga kabiga, mga guro, kakilala at mga kamag-anak.
  52. Nakiisa sa Kilos Protesta Laban sa Planta kasama ng mga mamamayan at kabataan ng Zambales at Olongapo.
  53. Nagsilbing Judge sa Search for Mr. & Ms. Intramural Meet ng San Miguel National High School.
  54. Nakiisa sa International Coastal Clean up Drive na isinagawa sa SBMA kasama ng iba’t ibang kabataan ng Olongapo at Zambales.
  55. Bumili ng ikapitong aklat ni Bob Ong, Ang Mga Kaibigan ni Mama Susan.
  56. Na-inspired sa mga pelikulang aking natunghayan kabilang sa mga ito ang “”The Clown and the King,” “Long-Legged Beauty,” at “A Mother’s Son.”.
  57. Nakatanggap ng “Happy Teachers Day,” na pagbati mula sa aking unang mga estudyante.
  58. Napagtagumpayan ang aking Final Demonstration Teaching. Nabagbag sa mga positibong komento ng mga hurado sa aking isinagawang pagtuturo sa II-Anthurium.
  59. Naimbitahang magsilbi bilang Hurado sa San Miguel National High School English Olympics.
  60. Nabisita ang Baclayon Church, Chocolate Hills, Man-made Forest at Tarsier Sanctuary ng Bohol.
  61. Nakilala si Juana Change (Mae Paner), Atty. Alex Lacson, Tina Monson Palama, Marites Vitug, Gov. Among Ed Panlilio at iba pang kilalang personalidad.
  62. Nagwagi ng unang karangalan sa BIDA National Essay Writing Contest sa Bohol.
  63. Humalakhak sa pinanood na Praybeyt Benjamin sa movie theater ng Tagbilaran City.
  64. Nag-enjoy sa paggawa ng scrapbook ng mga liham at litrato mula sa aking mga unang estudyante.
  65. Nag-presswork kasama ni James Robison sa kanilang bahay sa Pundaquit, San Antonio, Zambales.
  66. Tumanggap ng mga regalo sa aking mga propesor at director ng pamantasan matapos makamit ang 2011 UNAP-OYLA award.
  67. Naging bahagi ng RMTU Bulletin bilang Contributor.
  68. Nagwagi ng 3rd Place sa Copyreading sa ATSPAR kasama ni Manuel na nanalong 5th Place sa Photojournalism.
  69. Nag-enjoy sa Cabanatuan City kasama ni Manuel, Bryan, Jhouven at Ma’am Reynalyn.
  70. Nakiisa sa tagumpay ng aking mga sinanay na campus journalists sa high school.
  71. Nahilig sa pagbabasa ng E-Book lalo na ang Chicken Soup for the Soul.
  72. Natouch sa mga aklat ni Og Mandino – Gift of Acabara and The Greatest Success in the World.
  73. Napagtagumpayan ang aking defense sa Educational Research sa tulong na rin ni Edjohn at ng BEED IV.
  74. Nag-enjoy sa 30th Founding Anniversary ng Buhawen, San Marcelino, Zambales kasama ni Divine, Shane at SFG.
  75. Nahalal bilang Mangaing Editor ng The Leader, opisyal na publikasyon ng National Rizal Youth Leadership Institute sa Baguio City.
  76. Binisita ang Bell Church ng La Trinidad, Benguet.
  77. Natuwa sa Belenismo Festival ng Tarlac.
  78. Natuwa sa IV-Amethyst Batch 2008 Reunion Galore sa Villa Fe Resort, San Narciso, Zambales.
  79. Nag-enjoy sa Christmas Party ng II-Anthurium.
  80. Naligayahan sa ginanap na BSED IV Christmas Party. Sarap ng mga pagkain at saya ng videoke singing.
  81. Nanalo ng 1st Place sa Spelling Bee at 1st Place sa Wordsmith sa ginanap na Students’ Day.
  82. Natuwa sa pagkapanalo ng BSED IV Room bilang Most Christmas Decorative Classroom 2011.
  83. Naenjoy ang bawat araw ng aking pagtuturo sa Subic National High School kasama ng II-Anthurium, II-Sunflower at II-Cattleya.
  84. Nagdiwang ng Christmas kasama ang  buong pamilya at ni James sa bahay.
  85. Umakyat ng puno ng niyog ng 50 metro ang taas at saka tumawid ng lubid, at tumalon pababa sa Alfonso, Cavite.
  86. Nakasakay ng napakalaking motorboat ng halos apat na oras papuntang Caramoan Islands sa Camarines Sur.
  87. Nag-inuman kasama nila JB, Jinno, Ralf, Judy, Sherlyn, Clarizel at Marvin kasma si Sir Charlie matapos makilamay kina Gener.
  88. Napadpad sa tatlong lalawigan ng Visayas – Iloilo, Guimaras at Bohol. Minadao na lang!
  89. Nairita sa halos dalawang linngong walang kuryente sa aming bahay.
  90. Bumisita sa unang pagkakataon sa kabubukas na SM City Olongapo kasama ng aking mga kapatid.
  91. Nag-offer sa huling araw ng misa de gallo sa San Nicolas de Tolentino Parish.
  92. Nag-enjoy sa AKBAY Christmas Party sa Ponds and Pines.
  93. Nanalo ng Pinoy Henyo at Race Relay sa Christmas Party ng PREDA Foundation.
  94. Naging bahagi ng pahayagang The Philippine Star bilang contributor ng Inbox World.
  95. Tumanggap ng balde-baldeng papuri mula sa mga kaibigan, guro, kapamilya at kaklase.
  96. Tinapos ang aking action research, narrative report na lang!
  97. Umiyak nang umiyak noong NRYLI sa Baguio City dahil sa aming activity sa pangalawang pagkakataon.
  98. Nalunod sa Aplaya del Matang-ib nang nag-outing ang pamilya noong birthday ni Daddy. Akala ko ay katapusan ko na iyon.
  99. Sumali sa isang national online essay writing contest kasama ni James at Michael. Hanggang nagyon, hinihintay pa rin naming ang resulta ng patimpalak.
  100. Nakatanggap ng di-mabilang ng biyaya mula sa Kanya, nakakilala ng napakaraming kaibigan mula sa iba’t ibang panig ng Pilipinas, nakatanggap ng di-mabilang na papuri at pagbati mula sa mga kaibigan, mga guro at mga kasama.

Ang 100 pirasong kaganapan na ito ay ilan lamang sa mga di-makaliligtaang pangyayari sa aking buhay ngayong 2011. Hangad ko gaya ng iba na patuloy ang buhos ng mga pagpapala at biyaya sa pagbubukas ng taong 2011 maging sa mga susunod pang taon.

Higit sa lahat, nagpapasalamat ako sa Dakilang Maykapal sa pagbibigay sa aking ng pagkakataong makapaglakbay sa taong 2011 at sa pagbibigay sa aking ng pangalawang buhay mula sa aking naranasang pagkalunod. Batid ko na ang aking paglalakbay sa mundo ay hindi pa dapat matapos sapagkat marami pa ang nais na ipagawa sa akin ang Dakilang Ama.

 Salamat rin sa lahat ng mga taong nagsilbing gabay at patnubay ko sa pakikibaka sa mga pagsubok ng buhay. Ang mga karanasan at aral na aking natutunan ngayon ay hindi ko makalilimutang balik-tanawin.

Isang makabuluhan, makahulugan at manigong 2012 sa lahat!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s