Pagpapahingalay

Hininga ng ulan

Sa nahihimbing na bahaghari

Mga ulap sa kalangitan

Ang siyang pumupuri.

 

Indak ng mga bundok

Sa luha ng batis

Nagpapaanod ng antok

Sa kabukirang may hapis.

 

Bulong ng habagat

Ay galak ang hatid

Sa makukulay na bulaklak

Panahon ang pumalid.

 

Gubat na madawag

Sa tagumpay ay uhaw

Bitbit ang kalasag

Hanggang sa pagpanaw.

Photo by Tomas Kaspar

Daluyong ng karagatan

Na malayang naglalakbay

Tagumpay ay makakamtan

Sa talampas na kaakbay.

 

Ang tamis ng pangarap

Sa ngiti ng kalikasan

Papailanlang sa alapaap

Hanggang sa kasukdulan.

 

Ganito rin ang buhay

Ng tao sa sanlibutan

Ang bawat paglalakbay

Ay may tiyak na katapusan.

 

Sa gitna ng mga unos

At mga kabiguan

Matapang na pagkilos

Ang kinakailangan.

 

Ang kalikasang banggit

Kawangis rin ng buhay

May hiningang pumapalit

Sa bawat pagpapahingalay.

 

 

Author’s Note:

This poem was written by the author on November 7, 2010.

 

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s