Mga Aral mula kay Bro…

“Sana’y di magmaliw ang awit ni Inang Mahal… awit ng pag-ibig habang ako’y nasa duyan….”

Sino ba naman ang hindi makakikilala sa napakabait at napa-cute na si Santino? Isang batang nangungulila sa pagkandili ng isang ina. Isang batang puspos ng positibong pananaw sa buhay at talaga namang kakikitaan ng magagandang asal na dapat taglayin ng isang bata. At isang batang napakapalad sapagkat nakakausap niya ang Diyos, na mahilig niyang tawaging BRO…..

Santino: The Miracle Boy

Samahan ninyo akong sariwain at muling pagnilay-nilayan ang mga naging pag-uusap ni Santino at ni Bro na tunay na punung-puno ng mga magagandang aral na tiyak magagamit nating lahat bilang sandata sa paggupo ng mga pagsubok sa buhay…. Tandaan lamang natin na laging may bukas pa!

Bro with Santino

“Sa kahit anong pagsubok, hindi ka dapat nawawalan ng pag-asa, Santino. Doon mo makikita ang tatag ng iyong pananampalataya…”

***

“Kapag may gumawa sa iyo ng masama, gantihan mo ng kabutihan. Ang ayaw mong gawin sa iyo, huwag mo ring gawin sa iyong kapwa.”

***

“Huwag lamang mawawalan ng pag-asa … paparating ang biyaya.”

***

Bro: Huwag mong sayangin ang oras pagtingin sa mga kapangitan sa paligid. Bilangin mo ang magaganda.

Santino:  Paano po kung binilang ko, tapos mas madami ang masama?

Bro:  Kung hindi ka marunong tumingin kung ano ang maganda, imposibleng mangyari iyon, Santino.

***

Bro: Santino, lagi mong tatandaan, hindi ka dapat mamili ng tutulungan mo. Kahit hindi mo kilala, basta kailangan ng tulong, dapat bukas ang puso mo para damayan sila. Nandito ka para magkalat ng kabutihan sa mundo. Sa bawat tulong na gagawin mo sa mga tao, dapat bayaran nila ito sa pamamagitan ng pagtulong sa ibang nangangailangan. Sa ganoong paraan, hindi magtatapos ang lahat ng pagtulong mo sa kanila. Magmumula lang sa iyo. Pero kailangan nilang ipalaganap ang lahat ng kabutihan.

***

Santino:   Alam mo, Bro, ang saya-saya ko, lalo na, pag nakikita ko yung tao gumagaling.

Bro:   Santino, ang naramdaman mong masaya ka, kadalasan sapat na ‘tong kabayaran sa sakripisyong ginawa mo sa paggawa ng mabuti.

***

“Santino, mas mahirap tahakin ang daan tungo sa kapayapaan kaya marami ang nagpapasyang huwag piliin ang daang ito.”

***

Bro:   Pero wala kang kasalanan, Santino, at ‘yan ang tanging mahalaga. Maaaring magbago ang mundo, pero hanggang busilak ang puso mo, hindi ka maliligaw ng landas.

***

Bro:    Hindi masamang iyakan ang iyong nararamdaman. Ang mahalaga ay kung ano ang gagawin mo pagkatapos. Itutuloy mo ba ang panggagamot?

Santino:   Itutuloy ko, Bro. Kaya lang, pa’no pag may hindi uli ako napagaling?

Bro:    Basta maniwala ka lang, Santino, mapapagaling mo sila. Yun nga lang, madaling pagalingin ang sakit ng katawan, ngunit hindi ga’non kadaling lunasan ang sakit ng kaluluwa.

***

“Kahit mamatay ang isang tao may bahagi siya na kahit kailan hindi mawawala dahil lagi siyang nandito. Hangga’t hindi mo nakakalimutan ang isang tao, habang iniingatan mo sa iyong puso ang mga alaala niya, hindi siya totoong mamamatay.”

***

Bro:    Santino, hindi lang karamdaman ang puedeng pagalingin sa isang tao. Kadalasan, mas kailangang pagalingin ang kalooban niya.

Santino:    Bro, paano po bang gagamutin yung kalooban ng tao?

Bro:   Sa paggawa ng kabutihan. Sa pagpapakalat ng kabutihan. Kung magpapakalat ka ng kabutihan, kahit sa ibang paraan, itinutuloy mo pa rin ang panggagamot.

***

“Santino, ang nakakalimutan ng utak, hindi nakakalimutan ng puso, ngunit kadalasan, ang mas sinusunod ng tao ay ang kanyang utak kaysa sa kanyang puso. Kaya marami siyang bagay na nakakalimutan, kahit iyong mga bagay na mahalaga sa kanya.”

***

“Santino, nagkakamali ang lahat ng tao. Dapat lang. matapos makita ang pagkakamali, mayroon siyang pagsusumikap na makita ang tamang landas. Kung sino man ang walang kasalanan, siya ang maunang pumukol ng bato sa kanya.”

***

Bro:  Santino, minsan may ginagawa tayo na masakit para sa ating sarili dahil sa pagmamahal natin sa iba.

Santino: Bakit kailangan yan, Bro?

Bro: Ang sakripisyo ay isang paraan ng pagmamahal. Minsan kailangan natin itong gawin para maligtas ang iba. Minsan, kahit sarili mong buhay ay maari mong ibuwis para lamang sa mga taong mahal mo.

Minsan, Santino, nakakalimutan ng tao ang totoong nakakapagpasaya sa kanya. Kaya kahit nandyan sa harapan mo, hindi mo pa rin nakikita. Kaya akala mo, kailangan mo pa itong hanapin.”

***

“Santino, kailan naging masama ang pag-iyak? Kadalasan, nakakatulong ito para lumabas ang nararamdaman natin, ang mga bagay na ayaw nating harapin.”

***

“Santino, ang katotohanan lamang ang totoong nakapagpapalaya sa isang tao. Ang mga taong may kasalanan at nasa labas ng kulungan, hindi sila totoong malaya. dahil isang malaking kulungan ang pagtatago ng katotohanan.”

***

“Santino, nangyayari sa araw-araw ang mga himala. Ito’y nasa paligid natin, ngunit marami ang hindi nakakapansin dahil kadalasan, hindi alam ng tao kung paano ito makikita. Kaya minsan, may mga bagay na tinuturing nilang himala kahit hindi totoo. Dahil ito ang gusto nilang paniwalaan. Nasa puso ng tao ang totoong himala.”

***

“Santino, nakakapagbigay ng kalayaan ang katotohanan. Yun nga lang, marami ang hindi handang sabihin ito sa mga taong mahal nila, mga taong ayaw nilang saktan. Yun nga lang, habang hindi sila naglalakas ng loob na sabihin ang katotohanan, hindi nila napapalaya ang mga taong mahal nila. Kahit na masakit ay kailangan itong marinig.”

 

Author’s Note:

This was written by the author in November 2009 but failed to publish in their community newsletter.

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s