Bagwis ng Panitik

Photo by Ivanjs

Maingay na katahimikan

Ang umaalingawngaw

Pilit na isinisigaw

Diwang walang kamalayan.

 

Tigang na isipan

Hangad mang sumagana

Balakid ang nangunguna

Dunong ay makamtan.

 

Kakintalan ay tulog

Sa kalamnan ng utak

Ang kanyang pagbulwak

Waring nambubulabog.

 

Uhaw na pandinig

Sa sigaw ng karunungan

Nais maulinigan

Sa pagbango’t pagtindig.

 

Daloy ng pawis

Sa bawat pagpatak

Katumbas ay tatak

Ng bawat pagbagwis.

 

Imulat ang mata

Gisingin ang damdamin

Isipa’t panimdim

Dapat ipanata!

 

Sa apat na sulok

Nitong daigdig

Kapangyarihan ng panitik

Ang siyang tutugatog!

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s