Balik-Tanaw 2010

Ang taong 2010 ay nasa bingit na ng katapusan. Ito ay mananatili na namang bahagi ng kasaysayan. Ngunit bago ko tulutang mamalakaya ang taong ito sa aking nakaraan, hayaan ninyo’t ako’y magbalik-gunita sa aking mga di-makakalimutang karanasan sa taong ito sa pamamagitan ng aking listahan ng pagbabalik-tanaw.

Nostalgic Reminiscence 2010

  1. Nakasakay ng eroplano sa unang pagkakataon para sa Eco-Tourism Seminar sa Puerto Princesa City sa Palawan.
  2. Nakakain ng tamilok, isang wood worm, exotic food ng Palawan.
  3. Napagalitan sa klase kapipindot ng cellphone. May titik A ang pangalan ng prof ko’ng yun.
  4. Nakamit ang pangarap na magkaroon ng national achievement, dalawa pa nga – 3rd Place Winner, National Rizal Essay Writing Contest at National Ayala Outstanding Young Leader with the guidance of Sir Jerry.
  5. Nanalo ng dalawang parangal sa isang Regional Journalism Confab – 2nd Place sa Copyreading at 2nd place sa Developmental Communication Writing kasama ng pub adviser ko na si Ma’am Lors.
  6. Naging suki ng sinehan, limang beses nanood ng sine ngayong taon, dalawa rito iisang film – Harry Potter and the Deathly Hollows Part 1.
  7. Inakyat ang Mt. Samat ng halos apat na oras para sa Youth Diocesan Pilgrimage kasama ang aking mga ka-AKBAY sa PREDA Foundation.
  8. Napuntahan ang lahat ng sulok at liblib na lugar sa aming barangay sa apat na araw ng aking pangangampanya bilang Brgy. Kagawad.
  9. Humarap sa Ayala panel interview na sira ang zipper ng slacks ko at kulang ng butones ang polo ko, ewan lang kung nahalata.
  10. Nakausap at nakapagpalitrato kay Vice President Jejomar C. Binay.
  11. Nakapagmano at nakapagpalitrato sa Obispo ng Diocese of Iba, Bishop Florentino Lavarias.
  12. Nakasurvive ng walang cellphone at internet sa overnight outing naming sa Anawangin Island Cove kasama ng aking mga kaklase sa Bio Major at nina Ma’am Karen at Ma’am Nora.
  13. Nakapag-cover ng isang national event – 11th Association of Tourism Officers of the Philippines (ATOP) National Convention sa SBMA kasama ni Arianne at Ma’am Lors.
  14. Nakasakay ng motor boat sa unang pagkakataon sa Palawan at ikalawang pagkakataon sa Anawangin Cove sa Zambales.
  15. Naluha sa surprise birthday treat ni Ma’am Lors at Ma’am Kars, di ko lang pinahalata.
  16. Nakita ng personal ang Bahay ni Kuya (PBB House) sa Quezon City kasama ang aking mga kapwa SK.
  17. Namulot ng mga kalat sa Looc Lake kasama ng mga SK ng buong Castillejos para sa Earth Day 2010.
  18. Nagalit sa barkada (Seismos Boys) dahil lamang sa isang laro – BBB.
  19. Inilagay si Pooh bilang primary photo bilang pakikiisa sa kampanya laban sa pang-aabuso sa mga bata.
  20. Nagkaroon ng grand outing kasama ng buong pamilya.
  21. Dumalo sa Luzonwide Press Confab sa Lingayen, Pangasinan, sa unang pagkakataon, hindi man nanalo, masaya pa rin dahil sa kakaibang karanasan.
  22. Naligo sa Requino River sa Namatacan, San Narciso, Zamables kasama ng mga kaklase.
  23. Nakakita ng starfish sa unang pagkakataon sa Starfish Island sa Palawan.
  24. Nag-snorkeling at nakita ang ganda ng ilalim ng dagat kasama ni Raymar sa Palawan.
  25. Pinagselosan ni Bryan, di ko naman aagawin ang dyowa nya.
  26. Umakyat sa napakataas na Ugong Cave ng Palawan, parang ayaw ko nang bumaba noon.
  27. Nagmotor boat papasok sa Underground River ng 30 minutes.
  28. First time umattend ng graduation rites sa RMTU noong March, graduation ni Kuya JB.
  29. Tinapos ang Grad Issue ng Technoscribe ng tatlong gabi habang nasa seminar sa Munoz City, Nueva Ecija.
  30. Nag-PPCRV Volunteer at nagserve sa May 10 Automated National and Local Elections.
  31. Bomoto sa national at local elections sa unang pagkakataon gamit ang PCOS Machine.
  32. Nangampanya para sa iisang kandidato noong May 10 – Manny Villar for President.
  33. Natapunan ng computer ink ang Jansport bag ko.
  34. Dinalaw ang puntod ng mama ko dalawang beses noong Mother’s Day at noong Undas, bumaha ng luha!
  35. Namangha sa ganda ng planetang Venus at ng Moon sa kalangitan na waring nakangiting nilalang.
  36. Binahay-bahay ang mga batang sa buong barangay sa loob ng tatlong araw na tatanggap ng mga libreng gamit sa eskwela para sa aming programang SK Brigada Eskuwela.
  37. Dumalo sa lamay ng kauna-unahan kong kaklaseng namayapa sa edad na 19 – Roselyn dela Cruz.
  38. Nagpack at namahagi ng mga school supplies sa halos 300 mga elementary kids.
  39. Umattend ng Seminar on Improving Teachers’ Competencies sa White Rock Resort, Subic matapos noon ay nagphotoshoot around the area.
  40. Naging photographer sa dalawang Family Reunion (hindi ako kadugo) – Binoya Clan at Paranada Clan.
  41. Nagpuyat sa bahay nina Luzzel ng dalawang gabi kasama si Bryan para tapusin ang Tabloid, Newsletter at Literary Folio, hindi na nga lang umabot ang Magazine.
  42. Nakuha ang 2nd Runner-up award sa Regional History Quiz Bowl kasama si Ate Felisa, Kuya Larjay at Elma, coach naming sina Sir Eric at Sir Marlon.
  43. Nagkaroon ng apat na executive positions sa mga student orgs – Technoscribe Publication bilang EdChief at President ng College of Education Student Body, RMTU Debating Society at RMTU Science Society.
  44. Nagkamit ng may pinakamataas na boto sa lahat ng mga posisyon sa Student Government at wala ring kalaban bilang SSG Secretary.
  45. Napadpad sa 16 na siyudad sa Luzon – Puerto Princesa City, Quezon City, Makati City, City of Manila, Tarlac City, Malolos City, Alaminos City, Science City of Munoz, Balanga City, Olongapo City, San Jose City (Nueva Ecija), San Fernando City, Angeles City, Baguio City, Vigan City at Laoag City.
  46. Nakadaupang palad ang mga pinunong kabataan ng Gitnang Luzon sa Angeles City at mga pinunong kabataan sa buong Pilipinas sa Baguio City.
  47. Naging journalism resource speaker at nagsilbing judge/evaluator sa unang pagkakataon sa San Marcelino Elementary School sa kategoryang Copyreading, Sports Writing at Editorial Writing.
  48. Binaybay ang buong Zambales para marating ang pinakadulong bayan nito – Sta.Cruz – para ayusin ang aking certificate of birth.
  49. Namangha sa nakuhang parangal ng Technoscribe – 5th Best Newsletter at 6th Best Tabloid sa buong Region III, kaya nag-victory party kina Ma’am Lors.
  50. Nagpicnic kasama nina Lala at Monina sa Maungot Farm sa San Antonio.
  51. Nagtree planting activity kasama ng mga officers ko sa Science Society sa Linasin, San Marcelino, Zambales.
  52. Nairita sa tatlong araw na walang kuryente, wala naming bagyo.
  53. Bumiyahe kasama ni Lyndon sa Tarlac City para bumili lang ng vermi worms, Php800 isang kilo.
  54. Bumisita sa 5 SM Branches – SM City Baguio, SM North Edsa, SM City Manila, SM City Clark and SM City Pampanga.
  55. Dumugo ang utak sa pagfill-up ng AYLC Application Packet na nasa 50 pahina.
  56. Nalate ng 20 minutes sa Induction Ceremonies, emcee pa man din ako, buti nandun ang co-emcee kung si Ejay.
  57. Nagwala sa kasasayaw ng rock dances noong Acquaintance Party.
  58. Nagkasakit ng tatlong araw dahil sa sobrang trabaho at puta. Minsan lang at hindi na naulit.
  59. Gumamit ng wikang Filipino sa buong Agosto sa paglalagay ng aking status sa Facebook.
  60. Salu-salong kumain ng tanghalian ang aming klase (BSED 3) na iisa ang ulam… afritadang manok na niluto ni Luzzel.
  61. Nakitulog sa ibang bahay, kina Karl noong Fiesta ng San Marcelino at kina Drew noong Acquaintance Party.
  62. Nakisimpatiya sa buong bansa sa nangyaring Quirino Bus Hostage.
  63. Hindi nakadalo sa dalawang campus events na inorganisa – 1st Science Fair dahil nasa Vigan City at 2nd Students’ Day dahil nasa Baguio City.
  64. Naiflash sa TV 5 ang aking pangalan at ang aking pananaw hinggil sa panukalang buwagin ang SK.
  65. Namaos dahil sa kasisigaw para sa CoEd Team noong Intramural Meet.
  66. Nakatanggap ng tweet back mula kay Kuya Kim, Ogie Diaz, Comelec Jab Jimenez, ABSCBN news, Patrol ng Pilipino, news reporters Katherine de Castro, Oscar Oida and Cesar Apolinario maging kay Sen. Kiko Pangilinan.
  67. Tumanggap ng balde-baldeng papuri mula sa mga kaibigan, guro, kapamilya at kaklase.
  68. Apat na buwang ginugol ang panahon sa trabahong dyarista mula Agosto hanggang Nobyembre.
  69. Nagkaroon ng una at ikalawang inaanak, ninong na ako!
  70. Nag-cover ng Magsaysay Day celebration.
  71. Napaiyak ni Ma’am Lors dahil sa sobra-sobrang papuri bilang EdChief ng Technoscribe.
  72. Gumawa ng kababalaghan sa Subic National High School (ayaw kong sabihin kung ano).
  73. Nanose-bleed sa Logic subject.
  74. Nagcover at nag-update ng Media Panel Interview ni PNoy sa tatlong malalaking networks- ABS,GMA at TV5 via Facebook.
  75. Gumawa at sumulat sa pahayagan (Newsletter) sa unang pagkakataon gamit ang wikang Filipino.
  76. Kinapanayam ang mga opisyal ng pamantasan sa loob ng isang araw kasama si Ejay.
  77. Tinawagan ako via phone para burahin ang FB status ko, buti na lang kundi nakulong na ako.
  78. Unang nagbigay ng update hinggil sa pagsabog sa Kolehiyo ng Subic Cheerdance Contest.
  79. Nagstay ng dalawang pagkakataon sa Barangay Hall ng Nagbunga kasama ang ibang SK Chairman hanggang hating-gabi para mag-ayos ng papel sa seminars.
  80. Nakapanayam ang Gobernador ng Zambales ang dating DPWH Sec. Hon. Jun Ebdane Jr. kasama nina Bryan at Grace.
  81. Umuwi ng alas-9 ng gabi noong bisperas ng Pasko dahil katatapos ng meeting sa Iba, Zambales.
  82. Nakita ang katawan ni Pangulong Marcos sa kanyang Mausoleum sa Ilocos Norte.
  83. Nakapagdasal sa Manaoag Church, Paoay Church at Barasoain Church.
  84. Nagreview overnight kasama ni Karl para sa Intercampus Biology Quiz sa bahay, 3rd Place kami.
  85. Nakasakay sa kalesa sa unang pagkakataon sa Vigan City.
  86. Inasar ng mga kaklase at kaibigan sa mga nagkaka-crush sa akin sa campus, mga anim ata sila.
  87. Hindi pa rin nakahanap ng girlfriend ngayong taon, antagal dumating!
  88. Nagdecorate ng classroom sa loob lamang ng isang araw kasama ng buong klase ng BSED 3.
  89. Gumawa ng tatlong research papers sa Ecology subject, kadugo!
  90. Nagturo ng mga high school campus journalists sa San Agustin High School.
  91. Nakapagsamba sa kapilya ng Iglesia ng dalawang beses.
  92. Naka 10th place out of 57 aspirants sa halalan ng Barangay Kagawad ng Balaybay, Castillejos, Zambales.
  93. Nag-lunch date sa bahay ni Ma’am Milmor noong Pasko, may cash gift pa akong natanggap.
  94. Nakapag night swimming sa Raven Resort sa Abucay, Bataan kasama ng aking editorial staff.
  95. Bumili ng cellphone, notebook computer at laptop.
  96. Nagreport sa classrrom gamit ang powerpoint presentation sa Genetics.
  97. Pinabago sa akin ang ginawa kong invitation kahit may 30 copies nang naprint.
  98. Umiyak nang umiyak noong NRYLI sa Baguio City dahil sa aming activity.
  99. Pinanood ang 3 episodes ng Harry Potter sa loob ng isang araw, HP 5 at HP 6 na lang ang di ko pa napapanood.
  100. Nakatanggap ng di-mabilang ng biyaya mula sa Kanya, nakakilala ng napakaraming kaibigan mula sa iba’t ibang panig ng Pilipinas, nakatanggap ng di-mabilang na papuri at pagbati mula sa mga kaibigan, mga guro at mga kasama.

 

Ang 100 pirasong ito ay ilan lamang sa mga di-makaliligtaang kaganapan sa aking buhay ngayong 2010. Dalangin ko na ang mga pagpapalang natanggap ko ngayong taon ay magtuloy-tuloy hanggang sa pagpasok nitong bagong taon at sa mga taon pang susunod.

Higit sa lahat, nagpapasalamat ako sa Dakilang Maykapal sa pagbibigay sa aking ng pagkakataong makapaglakbay sa taong 2010, salamat rin sa lahat ng mga taong nagsilbing gabay at patnubay ko sa pakikibaka sa mga pagsubok ng buhay. Ang mga karanasan at aral na aking natutunan ngayon ay hindi ko makalilimutang balik-tanawin.

Isang mapayapa at manigong 2011 sa lahat!

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s