Bulong ng Pagtulong

Sa karimlan ng gabi

Kaniig ang hangin

Sa bawat paghikbi

Ng pusong may pasanin.

 

Bulong sa mga tala

Hangad maiparating,

Ang alab ng pag-asa

Niyaring panimdim.

 

Huni ng mga kuliglig

Anaki’y nakikihapis

Sa luhang dumidilig

Sa matang tumatangis

Image by Bluwi

Dagitab ng buwan

Kayapos ang ulap

Nawa’y kahabagan

Lunggati’t pangarap.

 

Ito lamang marahil

Ang siyang nararapat

Nang mawala ang hilahil

Dumalangin nang tapat!


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s