Posts Tagged ‘Brgy. Balaybay’

By Danilo V. Rogayan Jr.

Barangay Balaybay is one of the leading and fast-progressive villages in the municipality of Castillejos in the province of Zambales in almost all fields – education, agriculture, industry, economy, livelihood and social services.

Balaybay is dubbed as the “Little Baguio of Castillejos,” “Sanctuary of Castillejos,” and “The Hidden Paradise.” Its patron saint, San Isidro de Labrador, the patron of farmers and laborers is celebrated annually every May 15 as thanksgiving of the people who are mostly farmers and laborers.

According to the legend, the name Balaybay came from the word “Pamalaybayen,” a genus of a tree which is ubiquitous in the community. Some folklore tells that the name Balaybay was derived from the term “balaybay” means “hanging clothes” because in the old days, there were lots of clothes hanging in several household in the barrio. While some believed that the present name of the barangay came from the Ilocano word “balay” which means house.

It can be recalled that Balaybay served as the resettlement area of the victims of the historic eruption of Mt. Pinatubo in the year 1991.In June 1991, Mt Pinatubo, located on the island of Luzon in the Philippines, violently awoke after five centuries of quiescence in what is considered to be the second most powerful volcanic eruption of the 20th century. Since then, destructive lahars triggered by typhoon-associated downpours, tropical monsoon rains and lake break outs, have flowed down the flanks and foothills of the volcano.

An intergovernmental structure, the Task Force Mount Pinatubo, which became, in 1992, the Mount Pinatubo Commission (MPC), was created to develop and implement the government policy of resettlement and oversee other rehabilitation works. Eruption and lahar lowland victims were relocated in 13 sites which were chosen by the government for being safe from lahars, for their well-drained soils and for being easily connectible to water networks. One of the said resettlement sites is located in Barangay Balaybay which is now known as Balaybay Resettlement Area which bears 14 puroks while the Balaybay Proper was subdivided into three puroks which was previously 7 puroks.

Brgy. Balaybay was led by various chief executives from Regino Saldivar, Jose Neneng, Segundo Cortez, Macario Neneng, Antonio Agabao, Feliciano Reyes, Arturo Pamintuan, Reveck Labrador, Angel de Perio, Arthur Manzano and its present barangay captain, Hon. Ferdinand S. Pona.

At present, the most-populated barangay in the municipality is the home of the Gin Queen Corporation, Green Garden Inc., and the thoroughfare to the largest shipbuilding enterprise in the country the HHIC Philippines commonly known as Hanjin Shipbuilding Company making Brgy. Balaybay not only the center of agriculture but also the center of economic industry.

“Ni sa hinagap, hindi ko naisip na minsan sa aking buhay,

magiging bahagi ako ng daigdig ng pulitika.”

Nagsimula ang aking paglalakbay sa sinasabing ‘maruming daigdig’ nang ako’y nag-file ng aking certificate of candidacy (COC) bilang Sangguniang Kabataan (SK) Chairman noong October 2007. Hindi ko alam ang pinasok ko noon, basta sabi sa akin, ako raw ang kailangan ng aming barangay upang pangunahan ang mga kabataan. Hindi ko pa alam noon ang SK sapagkat sa totoo lang, hindi ko ramdam ang SK sa aming pamayanan sa mga panahong iyon. Hindi ko rin alam ang mga benepisyo na matatanggap ko sakali mang manalo ako sa labang iyon maging ang pagkakaroon nito ng pondo ay hindi ko alam. Ang tanging alam ko lamang ay magiging President lang ako ng isang tipikal na organisasyon, gagawa ng mga proyekto at mga aktibidad para sa mga kapwa ko kabataan. Yun ang aking paniniwala noon.

October 25, 2007. Ang araw na ito ay isa sa mga pinagpalang araw sa aking buhay, simula ng aking bagong katauhan, bagong pakikipagsapalaran at bagong paglalakbay. Nahalal ako bilang SK Chairman ng Barangay Balaybay, Castillejos, Zambales. Walang pagsidlan ang aking galak ng mga panahong iyon. Ngunit sa kabila nito ay ang takot na mapangatawanan ang aking pinasok na mundo.

November 30, 2007. Opisyal akong nanumpa bilang SK Chairman ng aming barangay kasama ng aking pitong SK Kagawad. Ito ang simula ng araw ng aking pagbibigay serbisyo publiko lalo’t higit sa aking mga kapwa kabataan. Hindi madali, hindi simple; kumplikado at mahirap – yan ang mukha ng paglilingkod sa publiko, sa ibang tao. Sa totoo lang, hindi ako yung taong mahilig makihalubilo, hindi ako mahilig lumabas ng bahay, hindi mahilig makipagkapitbahay. Sa bahay, sa eskwela, sa simbahan – yan lamang ang ruta ng buhay ko hanggang sa oras na nahalal na ako sa katungkulan.

December 9, 2007. Hindi nagtatapos ang aking pananagutan bilang SK Chairman, nanumpa akong muli sa isa na namang tungkulin kung saan ako ay muling nahalal, ngayon bilang SK Federation Secretary General naman. Ang pagiging kalihim ng federation ay isa na namang hamon sa aking paglilingkod.

Ang magsulat ng katitikan ng pulong, ang paggawa ng mga resolusyon at pagsusulat ng mga komunikasyon ay dagdag lamang sa mga gawaing kaakibat ng aking pagiging SK Chairman sa aming barangay.

December 13, 2007. Simula ito ng sunud-sunod na pakikisalamuha sa iba’t ibang pulitiko, sa mga kapwa ko SK Chairman, sa aming mga lider sa munisipyo at maging sa aming barangay. Iba’t ibang personalidad ang aking nakakausap at simula yun ng pag-unlad ng aking aspetong sosyal na sinasabing kailangan ko raw matutunan ngayo’t bahagi na ako ng mundo ng pulitika.

January 6, 2008. Sinimulan ng aming Sanggunian ang aming unang proyekto para sa mga kabataan, at yun ay nasundan ng iba’t iba pang proyekto, aktibidad at programa na kapaki-pakinabang sa aming kapwa kabataan. Halos buwan-buwan, iba’t ibang programa ang aming inilulunsad, nakakapagod man, ngunit kinakailangan. Marahil, totoo nga, na ang dagabdab ng paglilingkod ay mananatili, kung gusto mo ang ginagawa mo. Yun ang pinanghawakan ko, mas pinagsigasigan ko ang aking paglilingkod, ayaw kong biguin ang mga kabataang naniwala sa aking kakayahan na sila ay pangunahan.

Iba’t ibang mukha ng paglilingkod, iba’t ibang anyo ng pagbibigay-serbisyo – yan ang aking ginawa sa aming barangay – kasama ng aking masisipag at maasahang SK Kagawad – sina JB C. Agustin, Judy Ann C. Disu, Sherlyn B. Famuleras, Clarizel May M. Kuhutan, Ryan C. Sison, Dennis M. Cula at Jayson Bryan T. Cabreros – mga gulugod na katuwang ko sa pagpapaktabo ng SK Balaybay.

Edukasyon. Ito ang naging prayoridad ng aming administrasyon. Sinimulan namin ang SK Brigada Eskwela (SK Supplies Giving Program), proyektong nagbibigay ng libreng school supplies sa mga indigent but deserving na mga mag-aaral ng elementary. Naniniwala ako na magiging matatag ang pundasyon ng edukasyon kung sisimulang paunlarin ang basic education at yun ang dahilan kung bakit sinimulan naming ang proyekto. Naging positibo ang pagtugon, hindi lamang ng mga magulang na mga mahihirap ngunit desididong mga kabataang makapag-aral, sa nasabing proyekto, kundi maging ng mga guro sa dalawang elementary schools sa aming barangay. Naging napakalaking tulong ang adhikaing ito na nagbigay ng pag-asa sa mga batang hangad mag-aral ngunit walang pambili ng mga gamit sa eskwela.

Ang proyektong ito ay inaaantabayanan taun-taon, mahirap mang magbahay-bahay sa buong barangay na kalaban ang init, magaan naman sa pakiramdam ang musika ng pasasalamat na inaawit ng mga natutulungan. Basta walang katulad!

Kalikasan. Marahil kaya nga Biological Science ang aking napiling maging major ay dahil sa likas akong nature-lover. At hindi iyon nabalewala nang sinimulan namin ang pagsasagawa ng mga programang pangkalikasan gaya ng paglalagay ng mga environmental slogans sa buong barangay at paglulunsad ng tree-planting activity sa pakikipagtulungan sa SK Federation of Castillejos.

Iwas-Droga. Galit ako sa mga drug user at mas lalo sa drug pushers kaya tinutukan rin namin ang pag-iwas ng mga kabataan sa paggamit ng illegal na droga. Ang mga anti-drug slogan posters ay tiyak naming naging instrumento ng pag-iwas ng mga kabataan sa bagsik ng droga. Dagdag pa rito ang mga pagsasanay na ibinigay ng PDEA hinggil sa usapin ng droga.

Kalusugan. Ang pagpapanatili ng malusog na pangangatawan at malinis na pamumuhay ng mga kabataan sa komunidad ay amin ring binigyang pansin. Sa pamamagitan ng mga supplemental feeding programs, naihatid namin sa mga malnourished children sa barangay ang kalingang handog ng mga masusutansyang pagkain at pagbabahagi ng mga gatas para sa kanila.

Kultura. Ang pagpapanatili ng kultura ng aming pamayanan ay hindi rin nawala sa listahan ng aming nagging programa. Ang Pabuya Ti Umuna Nga Panawen Cultural Presentation ay inilunsad ng SK Balaybay upang hikayatin ang mga kabataangmakibahagi sa pagpapamalas ng mga katutubong sayaw at katutubong awitin na itinatanghal tuwing kapistahan ng patron. Dagdag pa rito ay ang pagsasagawa ng mga paggunita sa Araw ng Kalayaan kung saan ay inilunsad ng aming sanggunian ang Indepence Day Quiz Bee na nilahukan ng mga kabataan.

Pampalakasan. Ang larangan ng sports na siyang pinaniniwalaang isa sa mabisang paraan ng pag-iwas sa droga ay isinagawa rin naming sa barangay. Ang Paliga ng Kabataan na aming isinagawa ay nagbigay ng pagkakataon sa mga kabataan na maipakita ang kanilang gilas at likas sa nasabing larangan at mapaunlad nila ang kanilang pakikihalubilo sa iba pang kabataan sa aming komunidad.

Mga Pagsasanay. Sa pakikipagtulungan sa PREDA Foundation, nagsagawa rin kami ng leadership training seminars kung saan hinuhubog ang mga kakayahan at abilidad ng mga kabataan sa paglilingkod at pamumuno nang sa ganoon ay maihanda sila sa mga posibleng maging gampanin nila pagdating ng araw. Ika nga, hubugin nang matiwasay ang mga kabataan na siyang susunod na pagmumulan ng mga lider ng hinaharap nitong ating banyan!

Handog Saya sa Kabataan. Ilan sa mga programa ng SK Balaybay na talagang umani ng papuri ay an gaming Pamaskong Handog para sa Kabataan kung saan ay halos lahat ng kabataan ng barangay ay nakatatanggap ng mga regalo o di kaya’y premyo sa mga parlor games na inihahanda naming tuwing pasko. Ang bawat ngiti, halakhak, tawa, sigaw ng saya at mga palakpakan ng bawat bata ang nagpapawi ng pagod sa aming mga SK na nag-oorganisa ng nasabing programa. Yun bang feeling mo ikaw si Sta. Claus, grabe, ang sayang makatulong, ang sayang tumanggap ng pasasalamat!

Ilan lamang iyan sa mga mahahalagang nagawa ng SK Balaybay sa ilalim ng aking pamumuno, kasama ng aking mga katuwang na SK Kagawad. Mga simpleng programa, simpleng proyekto, simpleng mga adhikain ngunit nakapaghatid ng malalaking pagbabago sa buhay ng bawat kabataan ng aming komunidad. Masaya ako at nalulungkot – masaya sapagkat, batid ko na nagawa ko ang aking gampanin bilang isang pinunong kabataan – nalulungkot dahil alam kong iiwan ko na ang SK Balaybay bilang pinuno nito, hangad na nawa’y maipagpatuloy ng susunod na administrasyon ang mga kapaki-pakinabang na programa na amin nang nasimulan. Ngunit sabi ko nga, hindi magtatapos ang aking pagtulong, hindi magwawakas ang aking paglilingkod, hindi matutuldukan ang aking paghahatid ngserbisyo, hangga’t kaya ko tutulong ako!

November 30, 2010. Tatlong taon matapos akong manump, ngayon ako ay lilisan na sa posisyon bilang SK Chairman, tigib ng galak akong lilisan, kuntento sa aking nagging papel sa loob ng tatlong taon ng tapat na paglilingkod at paghahatid ng serbisyo. At sa aking paglisan, bago ko isara ang kabanata ng aking buhay sa mundo ng pulitika nais kong bigyan ang mga sumusunod ng…

PAPURI at PASASALAMAT…

Bb. Mellinda Borja, sa kanyang ipinakitang suporta at pagtitiwala sa aking kakayahan mula noong kampanya hanggang sa magtapos ang aking panunungkulan;

Kapitan Ferdinand S. Pona, sa pagbibigay ng gabay at pagbibigay ng suporta sa lahat ng aking mga isinagawang programa. Si Kap ang pinakamabait na Kapitan na nakilala ko. Salamat po sa lahat-lahat mula noon hanggang nung mga panahong tumakbo ako bilang Barangay Kagawad noong nakaraang October 25 Elections;

Ate Anna Mendoza, ang pinakamabait naming Barangay Treasurer sa pagtuturo ng kanyang mga nalalaman sa larangan ng bugeting maging sa public service. Salamat Ate Anna sa lahat lahat, hinding-hindi ko po malilimot lahat ng mga magagandang aral na iyong ibinahagi;

Kagawad Rowen Mendoza, sa mga naibahagi niyang tulong sa aking pag-unlad bilang public servant. Maging sa ipinakita nyang suporta noong nakaraang Oct. 25 Elections, salamat po!;

Kuya JB C. Agustin, frst SK Kagawad ko, best friend ko at kuya ko. Salamat sawalang hanggang tiwala, suporta at pagdamay. Ikaw ang natirang kasama ko simula ng pinasok natin ang mundo ng SK hanggang sa aking pakikipagsapalaran sa Barangay Elections. Salamat Kuya!;

Mga SK Kagawad ko na sina Judy Ann C. Disu, Sherlyn B. Famuleras, Clarizel May M. Kuhutan, Ryan C. Sison, Dennis M. Cula at Jayson Bryan T. Cabreros, sa inyong pakikiisa at pagtulong upang maisakatuparan ng lahat n gating mga adhikain para sa mga kabataan. Thanks a lot guys!;

Sa mga bestfriends ko sa SK Federation sina Sarah Jean Bueno ng San Agustin, Erly Mae Manglicmot ng San Juan, Stephanie Paulo ng Nagbunga, Raymar Relato ng Del Pilar at Aljhon Navarro ng San Nicolas, sa ipinakita nyong suporta sa lahat ng ating mga ginagawa. Hindi ko kayo malilimutan;

Gayundin sa iba pang SK Chairman ng Castillejos – sina ate Hasmin Mangosing ng Sta. Maria, Rommel Ancheta ng San Pablo, Michael Pascual ng Magsaysay, Gerald Ragadio ng Buenavista, Marloly ALterado ng Nagbayan, ALmer Santos ng Looc, Yexly Garcia ng San Roque at si Board JJ Billman ng San Jose, sampu ng kani-kanilang mga SK Kagawad, salamat sa inyong lahat!;

Mayor Wilma Billman sa ipinakitang suporta sa SK Castillejos, maraming marami pong salamat Madam;

Sa aking mga high school friends lalo na kay Kuya Jinno Sumaoang and College friends na hindi nang-iwan sa mga panahong sinusubok ako ng aking pamumuno, maraming-maraming salamat lalo na sa Seismos Boys na suportado sa mga programa ng SK – sina Edjohn Harold Tomboc, Andrew Paje, Karl Lyndon Lim at John Arthur Ararro, salamat mga tol!;

Sa aking mga magulang kay Mama at Daddy, sa aking mga kapatid kina ate Dhann, ate Dave, ate Diane, sa aking mga kamag-anak na hindi nawla sa aking likuran;

Sa aking mga naging adviser, mentor at guide na nagtiwala, gumabay, umagapay at tumulong sa akin sa loob ng tatlong taon… Maraming maraming salamat po! Sa mga hindi nabanggit, kayong lahat ay bahagi ng aking naging matagumpay na pamumuno!

Higit sa lahat sa Dakilang Ama – ang aking naging sandigan sa lahat lahat! Salamat pos a kababang-loob, sa kakayahan, sa kalakasan at sa pagkakataong makapagbigay ng tulong sa aking kapwa! Ako po ay nagpupuri sa Inyo!

NGAYON…

Sa pagwawakas na kabanata na ito ng aking buhay, bitbit ko ang walang katulad na alaala na babaunin ko sa aking patuloy na paglalakbay sa dako pa roon ng buhay. Ang aking mga natutunan, maging mga karanasan ang siyang humubog sa akin upang mas maging mahusay na servant leader. Ang lahat ng ito ay utang ko sa lahat ng taong nagging bahagi ng aking paglalakbay.

Ngayon… hinihintay ko ang resulta ng aking mga naging pagsasakripisyo, ang pinakamagandang regalo na madadala ko pag-alis ko ng SK – ang resulta ng aking nominasyon sa National Ayala Search for the Most Outstanding Young Leaders in the Philippines na lalabas bago matapos ang taon! Ang pristihisyosong parangal na ito ay alay ko sa lahat ng naging bahagi ng aking buong=puso at walang pag-iimbot na paglilingkod!

SK BALAYBAY: Transforming Leadership, Transpiring Actions and Transcending Competence.

P.S.

10:41 ng gabi ng November 30, 2010. Natapos ang blog na ito. Kailangan talagang matapos at maipost ko ito sa wordpress site ko. Katabi ko ang aking tuwalya na pinampunas ko ng aking luha, di ko rin napigilang di umiyak, di ko makita ang aking panyo dahil patay na ang ilaw sa sala. Pinapatulog na ako pero talagang tinapos ko ito kahit may quiz pa kinabukasan. Naghanap pa ako ng mga larawang maaaring ilahok sa sulating ito. Salamat sa pagbabasa nito, hindi ito biro dahil sobrang haba talaga nito. Pasensya na sa maling mga grammar at typo, di ko na ito inedit, on the spot ang aking pag-eencode nito sa aking laptop. Hehe.